hi! newbie po ako, need your help po! nag pareplace po ako ng timing belt, pagkuha ko ng sasakyan tumatakbo naman po after ilang kilometro parang may kaibang ingay ako na naririnig then nung nasa hiway na ako hirap na akong umarangkada. kelangan ko pang tapakan ng husto yung gas. until parang usad pagong na. then bigla na lang tumaas yung temperature gauge. i turned off the engine. then may narinig ako pumutok. nung binuksan hood. sumabog yung hose ng radiator. then i contacted who replaced my timing belt. wala daw kinalaman yung pag replace ng timing belt sa scenario. pero i insisted na tingnan nila. pinapalitan yung hose. yung valve cover gasket at yung spark plugs kasi nag karoon na daw ng oil. gastos ko lahat ng parts. then try nila on engine. tumataas pa din ang temp gauge. binuksan nila uli makina para ichek yung timing belt. then yun pala mali pagkakabit nila ng timing belt. inayos nila. hindi na nai-road test kasi gabi na. pina-idle lang nila. ok nasa gitna yung reading ng temp gauge. ok na daw yun. nung ginamit ko na yung car nag overheat uli. pinatay ko uli yung engine. pinatingin ko uli sa kanila. butas naman daw yung radiator. may kinalaman ba ito sa maling pagkakabit nila ng timing belt? anu pa kaya yung mga naapektuhan nung pagkakamali nila? i need help technically.... please help me....


Reply With Quote

