
Originally Posted by
apsa
mga sir,
magtatanong lang po regarding sa nissan caravan a/t na madalas mag over heat. It happened mga 2 months ago nung na-rent kami to tagaytay pero galing lang po kami ng Dasma Cavite siguro mga 30-mins to 1hr drive lang po ang layo.... nag 1st over heat sya kasi namatay yung fan nung 2nd radiator sa ilalim (i think yun po yung para sa aircon) kaya parang nagkaleak. Naitakbo pa rin namin pabalik ng dasma ng dahan dahan that time thouygh pag nahinto nag ooverflow yung reserve. After that parang humina po batak nung sasakyan and prang mejo mas malakas ang ingay nya na before sya mag over heat. And kahit mga Dasma to Kawit nag-oover flow pa rin yung reserve po for how many times na. Ano po kaya problema nun?
Need help po. Kc sabi ng isang mekaniko dapat daw kunin sa dukot, sabi nung pangalawang mekaniko wag daw ipadukot kc baka sayang pera sabi nya try muna palitan ng ATF kais po to be honest mga 2 years na since last magpalit ng ATF at amoy sunog na. Sabi nya baka kaya hirap makina kc hirap daw tumulong ang transmission.... pag di daw nakuha baka over haul daw po... ano po ba dapat talaga namin gawin.... ?
Ngayon po, pag naka start at i-open ang radiator cap di naman na-sirit ang tubig pero nagsi-circulate. napa overhaul na rin po namin both radiators.
ty po in advance....