Mga fellow members, ask ko lng anu mangyayari pag me crack sa loob ng kabitan ng timing belt? Car is a 2000 Honda City Automatic. Nung nagpa-replace ako ng timing belt sa Shell kasi maingay yung makina eh pinakita ng mekaniko ng putol yung bolt at me crack sa puno ng kabitan ng bolt (see picture). Tinanung nila kung kelan huling pina-service yugn car eh sabi ko sa Honda Casa. Sabi nila malamang dun nangyari yung pagkaputol ng bolt at crack at hinde sinabi sa amin. Sa ngayon nagawan ng paraan yung putol na bolt (machine shop) eh kaso yung crack kelangan raw baba yung manika (parang overhaul). Nawala na rin yung ingay sa makina.
Grabe talaga ang mga CASA ngayon, kala mo quality eh sisirain pa auto mo.