namatay ang engine ko (toyota commuter van) while crossing a usual flooded street..(i know na nakahigop ng water ang makina kaya pinahila na lang sa ibang sasakyan para makauwi)

after few days, pinakita ang sasakyan sa isang mekaniko ng tito ko, napaandar naman ang makina (wala ako ng dumating ang mekaniko) pero dahil medyo padilim na ng dumating ay sinabing babalikan na lang kinabukasan. pero after 5 days ay hindi pa bumalik ang mekaniko.

sinubukan kong i-start ang engine after a day ng chineck ng mekaniko.. isang start lang ay umandar naman pero

1. maraming puting usok ang lumalabas sa exhaust
2. pumapalag ang engine (masyadong magalaw sa kinalalagyan)

hindi ko pa nakausap muli ang mekaniko pero nag-aalangan na akong ipakita muli sa kanya ang sasakyan..

help naman if ano kaya ang problem ng sasakyan or solution para maayos ang sasakyan..
(nag-aalangan akong i-start muli hanggat wala pang solution na nagagawa.)

thanks in advance sa lahat..