New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    3
    #1
    namatay ang engine ko (toyota commuter van) while crossing a usual flooded street..(i know na nakahigop ng water ang makina kaya pinahila na lang sa ibang sasakyan para makauwi)

    after few days, pinakita ang sasakyan sa isang mekaniko ng tito ko, napaandar naman ang makina (wala ako ng dumating ang mekaniko) pero dahil medyo padilim na ng dumating ay sinabing babalikan na lang kinabukasan. pero after 5 days ay hindi pa bumalik ang mekaniko.

    sinubukan kong i-start ang engine after a day ng chineck ng mekaniko.. isang start lang ay umandar naman pero

    1. maraming puting usok ang lumalabas sa exhaust
    2. pumapalag ang engine (masyadong magalaw sa kinalalagyan)

    hindi ko pa nakausap muli ang mekaniko pero nag-aalangan na akong ipakita muli sa kanya ang sasakyan..

    help naman if ano kaya ang problem ng sasakyan or solution para maayos ang sasakyan..
    (nag-aalangan akong i-start muli hanggat wala pang solution na nagagawa.)

    thanks in advance sa lahat..

  2. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    321
    #2
    chnage atf/mtf fluid saka engine oil anf filter...normal lang na mausok kasi nakahigop ng tubig kaya dapat palitan agad mga fluids ok na yan

  3. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #3
    Tignan mo rin iyong mga high tension wire baka nabasa dahil sa pagikot ng fan dahilan rin pumalag o pumalya makina dahil tumatalon ang kuryente.

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    445
    #4
    Kung diesel yan swerte ka at umandar pa. karamihan diesel pag naka inom tubig nababalian ng connectiong rod. Sa case mo kung diesel yan malamang medjo sumingaw cguro ang ring kaya ganyan ang andar. Palitan mo engine oil, drain mo ang fuel sa tangke baka natubig at test mo ulit.

    Kung gasoline yan no need to worry lalo na kung alang computer ang makina.
    Papalitan mo lang langis at drain ung tank.

  5. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    3
    #5
    *reym
    yap diesel yung commuter van 07 model.

    *all
    thank you sa lahat ng advise..

    minalas nga lang during that time because mababa naman ang water, nasa more than 5 inches pa ang clearance sa bottom ng air cleaner.. yun nga lang ay before me namatayan ay may nakasalubong na malaking truck at mabilis ang takbo..

    palitan ko na muna ang engine oil before ko i-restart ulit..
    sana nga lang ay hindi ganon kalala ang sira ng sasakyan.. i'll update later..

    thanks again

  6. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    3
    #6
    update lang and inquiry na rin..

    napalitan ko na ang engine oil. na naiaayos naman ang idling ng engine.. medyo tumahimik na ng kunti..

    ang problem na lang ay ang kapal ng usok.. paano kaya mawawala eto.. some said na dalhin ko na lang daw sa CASA para maiayos yung usok.. sa tingin nyo tamang desisyon kaya eto.. or just keep on using na lang yung sasakyan..

    thanks...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #7
    In the very least, have the car brought to a shop where they can check the source of the smoke.

    It might be a simple fouled sparkplug or something else. Best to know what is wrong first and then decide what to do about it.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #8
    In the very least, have the car brought to a shop where they can check the source of the smoke.

    It might be a simple fouled sparkplug or something else. Best to know what is wrong first and then decide what to do about it.

help.. engine died on crossing flooded street