Hmmm... parang ganyan din ang 323 namin... out of the blue minsan bumabagsak ang RPM... kailangan lang ng alalay sa accelerator pedal para hindi mag stall.

Yung last time, talagang bagsak na ang RPM & undriveable na. Ginawa namin ni ian_rex ay baklas yung air intake... tapos binugahan ng carb cleaner yung throttle plates. Kaso nasobrahan yata nabuga at hirap mag start yung engine. Pero pagkatapos ng mga 6 tries, ayun... nag start na din ang makina.