Pasali na rin sa thread...

Guys patulong naman, I used to have a problem with my shifter, ang hirap pumasok sa 2nd gear, and may krug krug sound pag aandar na yung oto. Until one incident, hirap ko na makapa yung gears, talagang hindi ko na maipasok sa 2nd gear, I thought it was a bushing problem. So dinala ko sa mechanic, may ginalaw lang sa ilalim ng kotse (near firewall and tranny) then voila, ang lambot na ng shifter ko and ang dali nang ipasok ng gears, nawala na rin yung krug krug sound pag mag aaccelerate...

Nung pauwi na ako galing mechanic, at highspeed (60kph, not that high I know, hehe) nag start na mag wiggle nung kotse. Inobserve ko for several days, hindi nawala, then binalik ko sa mechanic, engine support daw, so he had my old engine support replaced...

Strong vibration at idle, especially when AC is on yung naging result. Sabi ganun daw talaga since matigas pa mashado yung rubber. I can deal with that, pero ang problem, hindi naman nasolusyonan yung wiggle at highspeed problem ko. In other words, nagkaron ng strong vibrations tapos nagwiwiggle pa rin at highspeed yung kotse ko.

I am certain hindi related sa gulong/alignment/balancing yung problem since kapag mabilis na yung takbo at naka 5th gear na ako at sobra na yung nginig, when I shift back to neutral pero high speed pa rin, nawawala ang wiggle nung kotse at very smooth yung takbo.

Again, ang sabi nung mechanic, kulang daw ang engine support ko, 3 lang dapat daw 4. Nung tinanong ko naman dun sa nag mount ng engine ko, 3 lang naman daw talaga mga kinakabit nilang support, wala naman nagiging problem.

Saan kaya talaga ang problema nung nginig ng kotse ko? I still think engine support eh. Pero how come na right after may galawin lang yung mechanic dun sa ilalim ng kotse ko para ayusin yung shifter ko, lumabas yung nginig? Sandali lang ginalaw dun sa may ilalim, ang sabi pa, meron lang daw nagkakaskasang mga bakal, so parang inadjust lang. BTW, kia pride yung ride ko, pero mazda engine and tranny na yung naka install.

Please help. Thanks.