Good afternoon sa lahat ng tsikot folks
May tanong sana ako regarding sa engine oil seals. Vehicle is L200 diesel 4d56 non turbo, 2003 model, 5yrs na this coming march2008, mileage is 46kkms.
Nung nagpa vulcanize ako nung last weekend, nasilip ko na may konting oil leak sa harap ng oil pan (just above the drain plug). Medyo basa ng konti, pero not to the extent na nagkakaroon ng oil marks sa garahe. Kung hindi pa nga ito sinilip, hindi ko rin malalaman na may oil leak. Isasabay ko sana pagpalit ng oil seal sa palit ng timing belt, fan belts, bearings, etc. Eh ang kaso naka sched yun sa 60kkms pa. Kaso ang sabi ng mekaniko na pinagtanungan ko, palit na dapat dahil baka daw mababad yun timing belt sa oil at maputol at ang sabi pa, nasisira daw ang oil seal kasi madalas ako mag change engine oil.... dito na ko kinabahan, mukhang iba yata diagnose nitong mamang mekaniko. Posible ba na madali masira oil seal kung laging nagpapalit engine oil? BTW, I am using Caltex Delo Gold 15W-40, no additive, change oil, and oil filter every 2,500km.
Ano kaya sa tingin nyo? Mukhang mapapaaga yata ang palit ko ng timing belt.
Thanks in advance.


Reply With Quote



