Halos pareho tayo ng procedure na ginawa sir! May binubuhay kasi akong owner type jeep (Isuzu Gemini Diesel ang engine nya). Hard starting with black smoke sya pag 1st start mo sya pero pag napaandar mo na sya eh
nde na problema ang starting.. Ok ba and power?

1st step na ginawa namin is replace glow plugs then the fuel filter and we also checked the battery and alternator kung nag-charge ba sya ng maayos... may improvement naman kaso tyambahan sa pag start average nya is mga 15 redondo bago mag start kaso minsan ayaw pa rin mag start sa umaga.... Did you use the correct glow plugs? Kung mali, baka napundi agad ito. Baka mababa ang current handling capacity ng glow plug switch or glow relay?

now we are in the last part which is pina-calibrate na namin iyung injector nozzle and injector pump sabi sa calibration eh hindi na maganda ang buga nung nozzle (sabog na daw ang buga nya so we replaced it) sabi rin sa calibration na medyo mahina na daw iyung injection pump so we have to replace it pero pwede pa naman daw kasi bago daw iyung fuel filter..basta wag lang daw matuyuan ng deisel at baka daw magka-hangin (tama ba iyung suggestion nung nasa calibration?)...Hindi ko alam kung paano nila kinalibrate ng pump mo. Meron ba silang calibration data ng pump mo? Ok ang pump kung napa ayon nila ang settings nito sa test specifications. Calibration is simply adjusting a pump and/or injectors to conform to test specs.

also sabi nung mechanic namin since na matagal nang naka-stock iyung makina eh i-check na rin daw namin iyung mga piston and piston rings kung ok pa at para malinis na rin ang carbon deposits sa loob (overhaul na).. hopefully by the end of the week matapos na eto.. inform ko kayo kung ano ang naging results.. Check timing muna!!!!!

Sana nakatulong....

P.S.

Sir Dieseldude anu po ba advice nyo sa injector pump problem ko? Better fix the internal parts or have it replaced na? Deperately need your expert advice.. Tanungin mo yung shop na nag calibrate ng pump mo. Sila ang makaka advise sayo dahil nakita nila ang output ng pump mo, at nai-compare nila ito sa specs.

Maraming maraming salamat po ... You're welcome...