
Originally Posted by
heropopo
hi, tanung ko lng panu kung anu talaga naging problem sa oto ko .....last wed tinirik po ako sa edsa, sabi ng mechanic na tumingin eh fuse at relay sa fuel pump so pinalitan lng yung fuse...nung thurs dinala ko po sa auto shop (shell almanza las pnas)para check yng relay na problem...sabi po eh yng fuel pump at inde yng relay ...so pinalitan yng fuel pump...tapos incidental din naman na nagkaroon ng problem yng water pump- maugong yung bearing kaya pinalitan din. Nagpa-change oil na din ako at tune up para cgurado..... naging ok naman po yng car. Pero nung friday night, tinirik po ulet ako.pagtaas ko ng hood, kita ko po eh parang bukas yng rad cap at bumulwak yng tubig sa makina. Di naman po tumaas yng temp gauge kaya di ko napansin na nag-overheat. Nung dinala ko ulet sa shell eh sabi ng mekaniko na di overheat and cause kunde nabasa yng distributor at huminto yng engine. Buo naman mga rad fan, fuse, at check nya ulet yng water pump.
Tanung ko lang po na di po pa talaga tataas yng temp gauge pag bumulwak tubig at mawalan ng tubig rad? yn kya talaga cause ng pagtirik nabasa yng distributor? tapos napansin ko din nung fri night na di umilaw yng oil sa panel nung tinirik ako.... pagkasusi ko eh check engine, battery lang ang umilaw.....anu din po kaya cause nun? HELP please. TIA