Quote Originally Posted by smalltimer View Post
hello sprex

Nangyari na rin sa akin yan one time nung umakyat ako ng marcos hiway to baguio. Umilaw din check engine pero nawala din after a minute. Sabi ng mechanic ko alagaan ko daw ng dagdag ng langis, wag papa-abutin sa minimum. So far hindi na ulit nangyari. Parang nangyayari yata yung check engine pag sobrang init ng engine oil. BTW my car is an 89 galant.

Regarding decreasing oil level, its either nagpapawis yung oil sa engine mo or mausok na ba? Ganyan din kasi engine ko ngayon nagpapawis yung valve cover. Twice na ko nagpalit ng gasket (replacement lang) pero ganun pa rin. Next palit ko bibili na ko ng mitsu orig para sure na.

Yung temp increase marami factors. Pwedeng water pump, mahina na ang fan, or may kinlalaman din sa oil mo baka malapot na.
Thanks Smalltimer!

parang ganun nga ang nangyari, nababawasan nga yung oil tapos nung paalis kami from nueva ecija, check ko ung oil, halos nandun na sa minimum ang ginawa ko bumili ako ng 1 liter na castrol oil tapos nilagay ko. napansin ko din nung nilagay ko ung oil pag bukas ko medyo may usok ung loob. Nag papawis nga ung sa bandang ibabaw, valve cover ba un?? d b pwede i sealant yun? D naman mausok ung car...