1. Check Engine Indicator - Nung nasa NLEX kami kahapon travelling at aroung 90kph biglang umilaw ung "Check Engine" nag stay syang naka-ilaw for about 5 minutes tapos nawala na din.. Nung nasa EDSA na kami umilaw ulit for about 2 minutes tapos nawala din..
Question: Ano po kaya and possible cause at umilaw ung check engine light? I understand pag lagay ko ng key tapos on ko umiilaw ung check engine for around 3 secs and nawawala din agad, parang diagnostics.. pero pag umaandar na dapat di na iilaw un?? tama po ba?
2. Decreasing Oil Level - Unti-unti nababawasan ung oil kahit walang leak (sa garage wala namang sign na may tumutulong oil). Pero dun sa ibabaw nung engine, parang kumakatas...
Question: Sealant po ba ang kailangan para dun??
3. Increase in Temp while on traffic - Na-experience po namin recently na pag bagong start nung car, normal ung temp (less than half).. Pag tumatakbo na kami ng matagal normal pa din ung temp tapos pag nag-stop kami or sa traffic, biglang tataas ung temp, lagpas ng half pero pag nag go na ulit at medyo mabilis na bumababa na ulit ung temp (less than half). Bagong palit po ung head gasket and di naman po nababawasan ung coolant and yung sa radiator...