New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    29
    #1
    Mga pare ko, nasira na ba ang valve na nakakabit sa charcoal canister ng corolla ninyo?Yung charcoal canister ay yung nasa ilalim ng Master brake cylinder at sa kanan ng distributor. MEron nakakabit na valve doon tapos meron 2 hose. Yun isa going to the carburetor. Tapos yun isa sa canister mismo nakakabit. Tapos meron kuryente na nakasuksuk sa valve.
    Namamatay kasi sa idling yung makina,. me nakita akong fuse. pinalitan ko tapos pumutok ulit. Then umusok yung valve, Bumili ako sa Banaue, P1400 (aray) Denso brand. Yung kinabit ko di na pumutok yung fuse. Ok na yun takbo. Kaso parang umiiinit yung valve. Natatakot ako baka umusok ulit at masayang ang pera ko. TANONG: Normal lan ba na uminit yung Valve? Thanks!

  2. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    9
    #2
    Hi fellow members!

    My car is Toyota Corolla 1.3 1999 model. My problem is this, nag short yung electrical na pinagkakabitan ng Gas Canister Valve pero buti na lang daw at hindi nadamay buong electrical wiring. Sabi ng auto electrician na tanggalin na lang daw yung connection kasi lagi daw nasusunog yung wire na yun from their experience at wala naman daw talagang silbi. Pero tinanong ko para saan ba yun, hindi sila makapagbigay ng straight answer, basta sabi para sa gas.

    So ginawa ko dinala ko sa mga nagrerepair ng auto electrical sa evangelista bangkal makati kung para saan ba talaga gas canister at makapagtanong na rin how much. Pero lahat sila hindi nila masagot kung ano ang purpose ng gas canister, yung iba parang nanghuhula lang, yung iba sabi para daw sa pagtitipid ng gas, yung iba naman sabi yung mga nakikita daw nilang taxi tinatanggal na daw yung electrical connection nun. Pero ang tanong ko sa sarili ko kung para sa pagtitipid ng gas, bakit tinatanggal na ng mga taxi? Dapat nga kinakabit pa nila yun para makatipid sila at para lumaki kita nila. At bakit naman gagawin ng mga engineers ng toyota yun kung walang silbi?
    Gusto ko rin sana pumunta sa toyota casa pero wala pa kong time kasi alam kong pila dun.

    Sabi din nila sa evagelista na ang surplus ay P900 at ang original naman ay P1,500.
    So ask ko muna kayo dito kung para saan ba yun, at kung kelangan pa bang ikabit yun, baka kasi masunog na naman before ko ipakabit ulit.

    T.I.A !!!

  3. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    41
    #3
    parehas tayo ng problem...ang sabi sa akin ung mga gas na hindi nasunog maiipon diyan and ibabalik sa carb...ung sa akin di ko pa rin naikakabit kasi 2,800 ang brand new na Canister valve...at saka baka pag kabit mag short ulit so sayang lang...sa tingin ko dapat ikabit ulit kasi may purpose siya.

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    635
    #4
    that is a part of the evaporative emission system. gasoline vapor from the fuel tank is collected by the evap canister (charcoal filled canister) then the gas collected is purged by the purge solenoid to the engine intake manifold. so that is important coz napoprotect natin ang environment and at the same time walang nasasayang na gas. in some countries it is illegal to disable the system since nakakasira ito sa environment.

  5. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    283
    #5
    Sorry to bring up an old topic, pero napansin ko rin lately na disconnected yung VSV ng carbon canister sa 2E bigbody ko. Plano ko sana palitan to to see if it solves some idling problems I had recently.

    I would think normal naman yung nagiging warm yung valve, after all nasa mainit siya na engine bay at nakakabit din sa "kuryente"... I just wish though na sinabi niya kung anong fuse yung pumutok para check ko na beforehand bago ko palitan.

  6. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    283
    #6
    Ah, so emissions lang pala silbi nito... seeing as di naman ganun ka-strict dito, it might have been installed by Toyota just to standardize the engine. It's probably about as useful as a catalytic converter.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #7
    Idle control valve ata tawag dun. Normal lang yun na warm.

  8. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    15
    #8
    i'm having second thoughts now on wether bubuhayin ko pa ba canister valve ko. twice nba nsira yung akin. 1st time umusok at naagapan ko pa. second time, muntik nang masunog kotse ko. as in umaapoy na sya nung buksan ko yung hood. buti nalng nasa tapat na ko na bahay at mabilis kong nakuha yung water hose namin. parang wala atang fuse yung part na ito kaya pag nag short, tuloy tuloy masunog? may technik ba na pag ibabalik eh pag mag short hindi sya masusunog?

  9. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    917
    #9
    Quote Originally Posted by barok97 View Post
    i'm having second thoughts now on wether bubuhayin ko pa ba canister valve ko. twice nba nsira yung akin. 1st time umusok at naagapan ko pa. second time, muntik nang masunog kotse ko. as in umaapoy na sya nung buksan ko yung hood. buti nalng nasa tapat na ko na bahay at mabilis kong nakuha yung water hose namin. parang wala atang fuse yung part na ito kaya pag nag short, tuloy tuloy masunog? may technik ba na pag ibabalik eh pag mag short hindi sya masusunog?
    cut the line, install a fuse holder then put in a fuse, as to what value (of the fuse) that i do not know, sorry...hth

Charcoal canister valve. Tanong para sa mga corolla owners!