New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 20 of 102
  1. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    4
    #1
    hi..i just wanna ask if i can use a shell helix ultra 5w40 in my ford explorer sport trac? thanks...

  2. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    2,105
    #2
    ano po yung engine?

    may sticker po dyan sa engine with oil grade ranges and oil classification. ex: 5w30, API/ACEA: SG

  3. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    1,906
    #3
    Alternatively you can check your owner's manual. Malamang may nakalagay doon.

    Most engines don't have a problem with 5W-40 viscosity oil though.

  4. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    4
    #4
    it has a v6 4.0liter..210hp the manual says its uses a 5w30 oil...if i put a 5w40 oil what will does it do my engine?thank's

  5. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    1,906
    #5
    Mas malapot yung 5W-40 oil kapag mainit.

    "5W-40" is a viscosity rating. The higher the number, the thicker the oil. The "W" means "Winter" so that's the viscosity of the oil when the engine is cold; the other number is the oil's "hot" viscosity.

    More viscous oil gives your engine more protection, but at the expense of some fuel economy. Conversely, less viscous oil gives less protection but helps fuel economy.

    Maghanap ka na lang ng 5W-30 oil, I imagine your big V6 might guzzle marginally more fuel if you did use 5W-40 oil. Technically there should be no other problems in using it though.

  6. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #6
    diesel po ba or gas ang engine ng sportrac nyo?
    meron kasi din ata 5W-40 grade for both gas and diesel type engines

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    2,605
    #7
    The 5w40 is ok. It wont harm your engine. Although, when I used Shell's 5w40 on my dad'd BMW, it lost about a litter after around 4000 kms. No leaks and less than 20,000 kms on the odometer. Another tsikoteer, ( I think it's Niky) also had a similar experience with this oil.

    If you can, use 5w30 or 10w30 energy conserving oil on your next oil change. I recommend Royal Purple. It gave me better FC compared to Caltex Havoline Energy.

  8. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #8
    sirs, balak ko mag DIY ng change oil. ok lang ba na i-drain ko yung oil sa gabi then iwan kong bukas yung pan. then sa umaga ko lagyan ng bagong oil and oil filter?

  9. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    175
    #9
    Quote Originally Posted by enzo18 View Post
    sirs, balak ko mag DIY ng change oil. ok lang ba na i-drain ko yung oil sa gabi then iwan kong bukas yung pan. then sa umaga ko lagyan ng bagong oil and oil filter?
    Hindi ako expert sa makina, pero bakit kailangan mong iwan ng bukas ang oil pan ng overnight? Narinig mo na ba iyong kasabihan na " Takpan mo ulam, baka langawin!" wala pang isang oras tuyo na ang oil pan mo, unlesss, balak mong mag-change oil ng alas diyes ng gabi.

  10. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #10
    Quote Originally Posted by The10thBEE View Post

    para sana mag-settle talaga lahat ng oil at ma drain palabas sa butas.

    e kung sa umaga ko na lang kaya buksan yung pan, then after 1 hour ilagay ko na yung bagong oil? mas ok kaya yun? worry ko kasi baka may maiwan na lumang oil.

  11. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    175
    #11
    Quote Originally Posted by enzo18 View Post
    para sana mag-settle talaga lahat ng oil at ma drain palabas sa butas.

    e kung sa umaga ko na lang kaya buksan yung pan, then after 1 hour ilagay ko na yung bagong oil? mas ok kaya yun? worry ko kasi baka may maiwan na lumang oil.
    In my opinion, mas magandang mag-change oil ng kagagamit mo lang ng kotse, para habang mainit pa iyong makina ang langis ay mabilis tumulo palabas ng oil pan, kapag malamig ang makina medyo mabagal, para bang mantikang natutulog. Kaya kapag mainit ang makina at wala ng tumutulong langis, mas maganda. Depende din kung gaanong kaluma na ang sasakyan mo at gaano ka kadalas mag-change oil. Kung alaga mo sa change oil ang kotse mo mas maganda, pero kung hinihintay mong umitim bago ka magpalit ng langis ay bale wala na din iyong malinis na langis mong inilalagay sa kotse mo, dahil iyong nakadikit na maitim na langis sa loob ng makina mo ay humahalo na din sa bagong langis. Kung alaga mo sa change oil ang kotse mo ay ayos iyon, siguraduhin mo lang na wala ng lumang langis tuwing change oil mo at huwag mong lagyan ng mumurahing langis "cheap price, cheap quality!" at siyempre huwag mong kalimutan iyong tamang oil grade(5W- 30?) ng makina mo at lalo na iyong dami ng bagong langis na isasalin mong pabalik sa makina, baka mapakaunti, it usually takes 5 quarts of oil.

  12. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    2,105
    #12
    imo, yes it won't hurt to go for 40, but mas maganda po 5w30 yung gagamitin mo as what the manuals suggested. unless the engine is older na. take not na rin po sa oil classification: ex. API/ACEA: SG

  13. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #13
    Quote Originally Posted by The10thBEE View Post
    In my opinion, mas magandang mag-change oil ng kagagamit mo lang ng kotse, para habang mainit pa iyong makina ang langis ay mabilis tumulo palabas ng oil pan, kapag malamig ang makina medyo mabagal, para bang mantikang natutulog. Kaya kapag mainit ang makina at wala ng tumutulong langis, mas maganda. Depende din kung gaanong kaluma na ang sasakyan mo at gaano ka kadalas mag-change oil. Kung alaga mo sa change oil ang kotse mo mas maganda, pero kung hinihintay mong umitim bago ka magpalit ng langis ay bale wala na din iyong malinis na langis mong inilalagay sa kotse mo, dahil iyong nakadikit na maitim na langis sa loob ng makina mo ay humahalo na din sa bagong langis. Kung alaga mo sa change oil ang kotse mo ay ayos iyon, siguraduhin mo lang na wala ng lumang langis tuwing change oil mo at huwag mong lagyan ng mumurahing langis "cheap price, cheap quality!" at siyempre huwag mong kalimutan iyong tamang oil grade(5W- 30W?) ng makina mo.
    kulay blue ng shell ang gamit ko on my 8 year old Corolla GLi (7000kms daw before magpalit), in 2000kms due na ulit ako mag change. try ko mag DIY, bili na lang ako sa shell ng oil then VIC oil filter sa other auto supply/dept store.

    ask ko na rin, ok lang ba kasi 10W40 yung viscosity.

  14. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    175
    #14
    Quote Originally Posted by xplorersportrac View Post
    it has a v6 4.0liter..210hp the manual says its uses a 5w30 oil...if i put a 5w40 oil what will does it do my engine?thank's
    Ang 5w40 ay maganda, kung araw-araw mong ginagamit ang sasakyan mo at idinadaan mo sa maruming kapaligiran o maalikabok na daan. Ang 5w30 ay standard, kung hindi laspag sa iyo ang sasakyan mo at sa malinis na kapaligiran ka parating dumadaan, grabe! parang tinagalog ko lang iyong nasa ford vehicle manual mo.

  15. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    380
    #15
    Hand-tight lang pagkabit ng oil filter. Be sure, na may filter chain o wrench ka, dahil minsan sobra higpit maglagay dun sa service, hirap tanggalin, lalo na pag masikip ang engine bay. Pag nangyari yan, balik mo na lang uli sa service pa-oil change at pa hand-tight lang.

    Masama sa engine pag sobra ang oil, ako short of half liter (compare sa manual) initial na lagay ko. Dagdag unti-unti nalang pag kulang.

  16. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    175
    #16
    Quote Originally Posted by enzo18 View Post
    kulay blue ng shell ang gamit ko on my 8 year old Corolla GLi (7000kms daw before magpalit), in 2000kms due na ulit ako mag change. try ko mag DIY, bili na lang ako sa shell ng oil then VIC oil filter sa other auto supply/dept store.

    ask ko na rin, ok lang ba kasi 10W40 yung viscosity.
    5W30 o 10W40 ayos lang iyon, basta alaga mo sa oil change, since 8 years old na ang corolla mo, ayos lang kung 5W30 kung mas makakamura ka. Ang 10W40 kung hindi ako nagkakamali ay sa laspag (kaskaserong driver at maalikabok na daan) na gamit na sasakyan, kung moderate (tamang pagmamaneho at malinis na kapaligiran) driving lang...5W30 ay makakaraos ka na...kasi itong grade na ito ang standard at siyempre dapat bagong oil filter parati.

  17. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    175
    #17
    Quote Originally Posted by youngrider View Post
    Hand-tight lang pagkabit ng oil filter. Be sure, na may filter chain o wrench ka, dahil minsan sobra higpit maglagay dun sa service, hirap tanggalin, lalo na pag masikip ang engine bay. Pag nangyari yan, balik mo na lang uli sa service pa-oil change at pa hand-tight lang.

    Masama sa engine pag sobra ang oil, ako short of half liter (compare sa manual) initial na lagay ko. Dagdag unti-unti nalang pag kulang.
    Huwag ding kalimutan iyong oil pan screw, baka mapaluwag...malaglag iyong turnilyo, nagda-drive ka na pala ng walang langis. Bago mo ikabit iyong oil filter ay lagyan mo ng kaunting langis paikot ng gasket, para sa susunod ay hindi masyadong mahigpit ang pagtanggal mo ng oil filter.

  18. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #18
    Quote Originally Posted by The10thBEE View Post
    5W30 o 10W40 ayos lang iyon, basta alaga mo sa oil change, since 8 years old na ang corolla mo, ayos lang kung 5W30 kung mas makakamura ka. Ang 10W40 kung hindi ako nagkakamali ay sa laspag (kaskaserong driver at maalikabok na daan) na gamit na sasakyan, kung moderate (tamang pagmamaneho at malinis na kapaligiran) driving lang...5W30 ay makakaraos ka na...kasi itong grade na ito ang standard at siyempre dapat bagong oil filter parati.
    maraming salamat! tingin ko OK na ko dun sa 10W40, minsan kasi mabigat rin paa ko sa gas pedal. saka halos wala na atang lugar dito na hindi ma-alikabok.

  19. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    175
    #19
    Quote Originally Posted by enzo18 View Post
    maraming salamat! tingin ko OK na ko dun sa 10W40, minsan kasi mabigat rin paa ko sa gas pedal. saka halos wala na atang lugar dito na hindi ma-alikabok.
    Weekly check-up mo lang ang makina mo, huwag mong hintayin na umitim ang langis ng makina. Ang maitim na langis ang nagpapalakas ng maitim na usok na nanggagaling mula sa muffler.

  20. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    341
    #20
    Quote Originally Posted by The10thBEE View Post
    Weekly check-up mo lang ang makina mo, huwag mong hintayin na umitim ang langis ng makina. Ang maitim na langis ang nagpapalakas ng maitim na usok na nanggagaling mula sa muffler.
    pag ma-itim na sa dip stick? sa dip stick kasi kadalasan brown pa ang oil pero ang itim na pala pag drain. safe rin ba kung sundin na lang yung 7000kms (blue ng shell oil).

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
change oil