New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 3 of 9 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Results 21 to 30 of 81
  1. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    49,396
    #21
    Quote Originally Posted by Stigg ma View Post
    eto ang list ng casa horror story ko

    1.2nd hand vios batman clutch master cylinder lumulusot - since meron ako service manual ng vios at nakita ko madami babaklasin eh sa toyota alabang ko pinagawa - nag quote sila via txt msg ng parts and labor, sa parts eh mas mura palitan lahat kaysa clutch master lang, ni confirm ko kung tama ba ang computation nila at tama daw. so go ahead ako. nung na kabit na lahat at for release na ay sorry daw at mali daw ang computation ng parts at mas mahal na babayaran ko, tapos na sira pa nila yung front abs sensor at pinag babayad ako ng 9k

    PS: dinisconnect nila ang dashcam

    mula nito di na ako bumalik sa casa para dito sa batman ko

    2. toyota bacoor - purchase bnew 2021 innova, lahat ng quotation para sa deal nasa bond paper nakalagay kung ano ano ang kasama at may pirma - nung mag kaka bayaran na eh di daw libre ang 3yr LTO registration at TPL. nung pinakita namin ang quotation ay mali daw yun, so nireklamo namin, cge libre na daw pero out of pocket daw nung ahente kase nag kamali siya. also nung ka txt ko ahente sa tint, sabi 4k lang daw, nung mag kaka bayaran na eh 8k na daw at nag kamali daw siya ng compute - hindi kame binigyan ng kopya ng TPL policy, nung hinahanap na namin eh nawawala daw nung ahente at puntahan na lang daw namin sa LTO lipa batangas para humingi ng kopya

    3. toyota bacoor - warranty claim brand new 8th day pa lang with 500KM sa odometer - off center ang steering wheel, kumakabig sa kanan - kinuha nung ahente yung sasakyan sa bahay kase wala pa OR/CR, binalik sa amin bahay after 2 days at 8PM at ok na daw - nung tinesting ko kinabukas sa village lang kase nga wala pa OR/CR eh sa kaliwa naman siya kumakabig. kinontack ko ang casa at sinabi ko na sa kaliwa naman kumakabig. ang sabi ibalik ko daw sa bacoor which hindi pwede kase wala OR/CR. so sa garahe muna ang sasakyan habang nag hihintay ng OR/CR. after 1 month ay may OR/CR na at binalik na namin sa bacoor and boom, sabi lapse na daw ang warranty sa alignment kase 1 month or 1000km lang ang warranty nito sa BNEW na sasakyan - edi reklamo nanaman kasama ang ebidensya na di namin ma ibalik sa bacoor ang sasakyan dahil wala nga OR/CR

    edi pagkatapos mag reklamo eh inalign nila at sabi ok na at mga 3PM na yun (hangang 4PM lang ang casa), ayun pag uwi ko wala na ang off center ng steering wheel pero kumakabig naman sa kanan kaya kinabukasan binalik ko ulet. mula umaga 7am hagang 1pm ay inayos nila, naka tatlo test drive bago nila nakuha ng tama alignment

    PS: so bnew and under warrant kya casa PMS sa bacoor - dinidisconnect nila ang dashcam tuwing ginagawa ang PMS

    4. toyota BGC - insurance claim, replace front and rear bumper - 2 months wating sa parts, tapos nung dumating ang parts after 2 months eh ang umpisa pala ng pila eh kapag dinala mo na doon, hindi dahil dumating na yung parts eh ready na ikabit. so waiting 10 to 14 days daw. after 10 days relase na. kinabukasan nung na sinagan ng araw eh ang pangit ng pag ka pintura at namumuti (thermalyte) also ang dami gasgas sa driver side door handle bowl na alam ko wala gasgas yun kase ako lang naman gumagamit nito. nadagdagan ng 15km ang odometer at umubos ng 1/4 na diesel - backjob tuloy.

    PS: dinisconnect nila ang dashcam

    nung backjob ay 4 days ginawa, ganun ulet na dagdagan ng 15km ang odometer at nabawasan ng 1/4 na diesel. 1.5 hour bago ma relase kase naka parada daw sa basement level 3 ang sasakyan ko sa UP town mall BGC - umayos konti ang pintura pero hindi pa din pulido. ayaw ko na ipa backjob ulet kase once is okay, twice is enough, 3x is NO!

    PS: dinisconnect nila ang dashcam

    5. toyota bicutan - ayaw tangapin ang warranty booklet ko for PMS, dapat daw may sales invoice ako pero wala naman sila sinabi na dalin ko ang sales invoice nung tumawag sila sa amin para mag confirm ng appointment, ang sabi lang dalin ang warranty booklet, kahit sa txt msg ang sabi lang dalin ang warranty booklet - dapat daw ibalik ko sa bacoor ang sasakyan at duon ako mag pa PMS kung wala ako sales invoice. nakapagtataka kase sa bacoor naman ay di naman nila hinahanap ang sales invoice, pinapakita ko lang yung warranty booklet at ginagawa naman nila yung PMS, nag kataon lang ito yung panahon na sinara yung las pinas bridge to bacoor dahil sa away ng villar and BF homes friendship route kaya di ako maka punta sa toyota bacoor.

    6. toyota las pinas - P8,+++ ang budget sa 20K free PMS pero P6k lang ang nasa PMS document - di ko na binalikan kung baket kase sobra trapik duon at ginagawa ang kalsada

    sabi sa PMS document clean and adjust brakes pero hindi nila ginawa kase maluwag ang hand brake na dapat sagad para di kumilos ang sasakyan hindi tulad nung ginawa ni bacoor na 3 to 4 clicks lang oks na.

    PS: pag release ng sasakyan ay hindi naka disconnect ang dashcam, di ko naman pinanood kung ano ginawa nila kung dinisconnect ba o hindi...

    lesson learned - i record din ang engine uptime
    kawawa ka naman.
    so, san na kayo nagpapa-pms/repair ?

  2. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    2,535
    #22
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    kawawa ka naman.
    so, san na kayo nagpapa-pms/repair ?
    sa bacoor makikita mo naman sa viewing area yung sasakyan kung ano ginagawa pero kung duon sa malayo na tapat ang sasakyan mo ay di mo makikita kung ano ginagawa

    kaya lang namin pinagawa sa BGC kase yun lang at pasong tamo ang accreditied ng BPI MS (ayon sa document na binigay ni BPI MS sa amin)

    ang balak ko next PMS sa makati kase toyota owned daw yun???

    PS: sana di nila pinapakelaman ang dashcam

    lesson learned: dapat meron sd card na pang casa / maintenace use only para yun ang ikakabit na sd card kapag ipapagawa ang sasakyan ng di nila mapanood kung ano yung mga previous na nang yari/pinuntahan bago dalin sa casa

    extra PS: meron din ako non- casa horror story pero sa iba panahon ko na ikwento (sa customer cradle las pinas)

    extra extra PS: naka monitor pa din ako sa vios FB group at meron daw mga bnew 2022 vios na 2018 ang prod date ng nakakabit na gulong...
    Last edited by Stigg ma; December 5th, 2022 at 01:42 AM.

  3. Join Date
    Jul 2014
    Posts
    889
    #23
    Toyota Alabang
    Toyota Bacoor (dalawang beses)
    Toyota BGC
    Toyota Las Piñas
    Toyota Bicutan

    ...hindi nagbigay ng sign ang universe...kaizen na sana..

    Sent from my CPH1911 using Tsikot Forums mobile app

  4. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    2,535
    #24
    Quote Originally Posted by Mask Rider Blac View Post
    Toyota Alabang
    Toyota Bacoor (dalawang beses)
    Toyota BGC
    Toyota Las Piñas
    Toyota Bicutan

    ...hindi nagbigay ng sign ang universe...kaizen na sana..

    Sent from my CPH1911 using Tsikot Forums mobile app
    1st time ko na exp eh, usually puro 2nd hand lang kotse namin, pero ngayon covid nag bigay ng bnew ang opisina, pinapili kame kung ano ang gusto namin na within sa budget basta mag pasa lang kame ng official sales quotation/proposal, actually may signs kaso pinalagpas ko,

    sa alabang ang sign eh parang mali ang computation, too good to be true, kaya nag confirm pa ako sa kanila kung tama ba ang computation nila, sabi tama daw

    sa BGC, yung 2 months waiting sa parts na galing lang naman sa sta rosa laguna ang sign, kaso yun lang ang accredited ng insurance kaya no choice

    sa bicutan eh pag pasok ko pa lang eh parang magulo ang systema yun na yung sign kaya hindi ko na tinuloy

    sa bacoor ang sign ay okay lang ng okay yung ahente kaya nga namin dinocument ang deal sa bond paper na may official quotation proposal, ayun sa dulo ay lolokohin pala kame pero armado na kame ng ebidensya, yun lang di ko na isip na igaganti pala eh ang pagkawala kopya ng TPL policy

    sa las pinas ang sign ay trapik duon kase ginagawa ang kalsada, pero pinilit ko pa din kase ipit na ako sa sched, kailangan ma change oil na at ibabyahe na namin ng malayo

    sa sobra dami ng toyota sa pinas eh kahit maka kuha ka pala ng slot sa smartphone app ay may posibilidad pa ma bump off ka (uso din ang overbooking)

    ang matindi nyan, ang opisina nag bigay sa amin ng bnew na kotse ay supplier ng parts/services ni toyota sta rosa laguna pero hindi kame duon sa department na yun, bilang gantinpala eh binibigyan kame ni toyota ng 5k pesos yearly for 4 years bilang rebate sa kotse. ito company car ngayon kase sa opisina ay naka pangalan sa empleyado dahil sa no contact policy ng gobyerno. kung sakali sa opisina naka pangalan ito kotse ay baka iba ang treatment... nung lumabas kase yung cheke na pang bayad sa toyota bacoor eh nagulat sila kung baket opisina/employer namin ang nag issue ng cheke
    Last edited by Stigg ma; December 5th, 2022 at 12:51 PM.

  5. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    49,396
    #25
    my toyota casa experience has been largely un-eventful. sa isang dealer lang ako pumupunta.
    over the years, i have purchased three brand new vehicles from them.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    38,939
    #26
    Quote Originally Posted by Mask Rider Blac View Post
    Toyota Alabang
    Toyota Bacoor (dalawang beses)
    Toyota BGC
    Toyota Las Piñas
    Toyota Bicutan

    ...hindi nagbigay ng sign ang universe...kaizen na sana..

    Sent from my CPH1911 using Tsikot Forums mobile app
    Baka si stigg ma ang may problema hinde ang Toyota . CASA Car Dealership Horror Stories


    Sent from my iPhone using Tapatalk

  7. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    2,535
    #27
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Baka si stigg ma ang may problema hinde ang Toyota . CASA Car Dealership Horror Stories


    Sent from my iPhone using Tapatalk
    sa dami ng casa horror stories na nagkalat dyan eh siguro meron din sa inyo, di nyo lang na pansin... nasaakin nga ba ang problema? sa itsura pwede, para kasi napaka inosente ng itsura ko na parang madali lang lokohin...
    Last edited by Stigg ma; December 5th, 2022 at 02:30 PM.

  8. Join Date
    Nov 2019
    Posts
    578
    #28
    Buti kayo makikita nyo ginagawa ng CASA.
    Parang standard na ata sa lahat ng CASA na i disconnect ang dashcam.

  9. Join Date
    Sep 2016
    Posts
    1,936
    #29
    Quote Originally Posted by carxynogen View Post
    Buti kayo makikita nyo ginagawa ng CASA.
    Parang standard na ata sa lahat ng CASA na i disconnect ang dashcam.
    Sa akin hindi naman. Patay makina kapag sineservice. Pero kita ko sa recording ng dashcam kung saan-saan sya napunta sa loob ng service area. Same din nung pinarepair ko yung tail gate namin. Yun lang talaga kinailangan disconnect kasi baklas salamin sa likod. Pero yung front cam ko, buong oras na pinaandar ang sasakyan eh recorded lahat.

  10. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    53,611
    #30
    Quote Originally Posted by Mask Rider Blac View Post
    Toyota Alabang
    Toyota Bacoor (dalawang beses)
    Toyota BGC
    Toyota Las Piñas
    Toyota Bicutan

    ...hindi nagbigay ng sign ang universe...kaizen na sana..

    Sent from my CPH1911 using Tsikot Forums mobile app
    Ang malas mo naman. Maganda naman feedback sa BGC and Bicutan sa Tsikot. Ang alam ko Toyota Alabang talaga marami anomalya
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Baka si stigg ma ang may problema hinde ang Toyota . CASA Car Dealership Horror Stories


    Sent from my iPhone using Tapatalk
    Hahaha

    Sent from my SM-N960F using Tapatalk

Page 3 of 9 FirstFirst 1234567 ... LastLast

Tags for this Thread

CASA Car Dealership Horror Stories