Basically, meron po ko 1997 corolla MT 4afe engine. Bale po kase nakita ko kanina yung parang malaking flexible na tube from the stock air filter papunta sa engine eh may maliit na hiwa na. Since wala pa naman bukas na shop ang ginawa ko lang is tinakpan ko lang po ng electrical tape pansamantala.
Ang question ko po may nabibili ba na ganun or advisable po ba na bumili na lang ako ng mga after market and palitan ko na lang yung buong air filter and tube? Sorry for the terminologies medyo newbie kase pag dating sa sasakyan.
If papalitan ko lahat nabasa ko dito sa forums na ok yung K & N san po kaya nakakabili sa banawe nun? Taga dito kase po ako.
Isa ko pa po tanong is kelan po ba need pa-top overhaul ang isang engine? 129k na po kase sa odometer yung sasakyan ko.