New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 4 of 4
  1. Join Date
    May 2013
    Posts
    49
    #1
    Pano ba i-adjust yung sensor sensitivity ng venom car alarm? Noob po kc 1st time car owner. Kakalagay lang kanina, ayoko kase ng masayado sensitive kaya sinet ng installer na medium lang. Pagkauwi ko gusto ni misis hawakan lang daw alarm na. Pano ba gawin yun?

  2. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #2
    may pihitang maliit yan dun sa naka dikit sa body ng kotse mo pihitin mo ng counter clockwise nasayo na yan kung isasagad mo..

    pero kapag naka sagad kasi nakaka irita ,,may dumaan lang na sasakyan at medyo nauga ng hangin ..alarm na agad..
    may dumaan motor alarm na agad,,,kakainis,,parang ung kotse ng kapit bahay namin sobrang ingay...

    nabwisit tuloy ung katabing bahay..binato ng bote ung windshield ayun alarm ,,akala ng may ari may sumalat lang sa kotse niya di niya alam basag na pala ung salamin ng kotse niya..

  3. Join Date
    May 2013
    Posts
    49
    #3
    Good thing naman dito sa sensor ng aken di ganun ka-sensitive. Napaliwanagan ko na si misis na kakairita yung alarm ng alarm yung kotse mo may nadaan lang. Kaya hayun oks nato. Aalarm lang if ever pilitin talaga buksan yung pintuan or i-hijack at tanggalin ang gulong ehe.

  4. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    1,136
    #4
    Share ko lang. Last Saturday biglang nasira yung remote ng alarm ko, lumubog yung switch para sa "lock" kaya ayun habang nagddrive ako, taas-baba yung door lock ko. Ginawa ko dineactivate ko muna yung power door features ng alarm by removing the fuse. pagdating sa bahay, hinanap ko yung kapares ng remote tapos pagkakita ko hindi na gumagana tho' pinalitan ko ng battery. Ginawa ko na lang, kinalas ko tapos tinanggal ko yung solder ng isa sa mga switch and then yun yung pinalit ko dun sa gumagana ko na remote. Buti na lang pulido ang pakakahinang ko ka ayun, gumana. Nakatipid ako dahil hindi ko na kailangan magpapalit ng hindi pa naman sirang alarm system. Iba na din talaga pag meron ka mga gamit sa bahay na maaasahan mo sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Tags for this Thread

Venom Car Alarm Sensitivity