napagana ko na yung driver's side p/w motor. did some tests (continuity tests sa brush holder at sa rotor). ok naman.
yun lang pudpod na yung brushes.....bumili na lang ako ng carbon brush (mga ginagamit sa starter, alternator) tapos finile ko para magkasya sa holder.
ayun gumana uli. pero nung naikabit ko na sa pintuan mismo e umayaw bigla kaya baklas na naman.
ayun pala e may circuit breaker mismo sa may loob ng motor. manipis lang na copper strip ito. siguro masyado na sensitibo yung c/b ng motor kaya konting drag lang e kina-cut off na yung supply ng kuryente sa motor.
ang ginawa ko e binypass ko na lang. hininang ko yung koneksyon.
malamang may magsasabi na baka may masunog (sana lang wala) pero may 30 ampere fuse naman na pipigil nun. hopefully. hehe.
yun lang mejo alalay lang ako sa pagpindot once na bukas o sarado na yung bintana.
cost of repair: P50 para sa 1 pares ng carbon brush + DIY