mga sir, question po. possible kaya maglagay ng fluorescent light na ginagamit natin sa mga bahay natin sa loob ng kotche? like sesetup ko sa loob ng kotche?
tapos bibili ako ng inverter sa cd-r king or sa ACE tapos dun ko ikakabit yung fluorescent.. possible kaya to mga sir?? kasi tumingin ako ng mga lighting na pang kotche, ang isa lang nasa 1K na.. balita ko madali pa itong mapundi, pag fluorescent naman mapundi man, ndi naman masyado kamahalan ang isa.
add on lang po, if ever possible po itong naisip ko na kalokohan, hehe kakayanin pa po kaya ng batterya ko ang mga ganitong set up? currently po kasi ay naka honda civic 02 ako, na full set up. with subs n tv/dvd. kasi napansin ko po pag malakas ang bayo ng subs ko.. parang sumasabay sa beat ng bayo yung mga ilaw like headlights n yng ilaw sa speedometer etc ko..
sign po kaya ito na hindi na kaya ng batterya ko yung set up ko? what to do mga sirs?? thanks in advance...