nagpagawa ako ng radiator kahapon kay Jorge. actually, palit ang labas kasi sabi niya mahina na ang clips at may cracks na sa plastic top (dami tagas pagdating ko dun). so sabi ko sige palit, siya na naghanap ng radiator na may kasama na ring aux fan pagbalik niya. nagka-alaman na lang na magkababayan kami kasi narinig ko silang mag-usap nung kasama niya so nagsalita ako at nagulat na lang siya. he gave me a nice discount dun sa aux fan since di ko naman talaga pinapalitan yun luma, na may tama na rin ang brackets. sabi ko nalaman ko yung shop thru Otep sa tsikot, tas sabi niya "ano nakita mo ba yung adobo ko?"...kwentuhan kami ng konti pagkatapos nung install. sabi ko kelangan matikman ko yung adobo sa susunod.