New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    111
    #1
    Mga sir, need help regarding my 2004 Honda CRV Matic

    Ganito kasi problema, bigla na lang hindi gumana yung speedometer ko pero yung RPM gauge gumagana naman.

    Ganito ang scenario:

    Umaga bago umalis ng bahay, walang problema sa gauges ko then,

    1) nagpa general cleaning ako ng aircon, baklas evaporator, filter drier palit from the condenser at pina lagyan ng cabin filter, flushing of the evaporator and valve replacement.

    pagkatapos dumerecho ako para, hindi ko pa napansin kung working yung speedo or not kasi malapit lang at slow traffic,

    2) nagpa high pressure car wash with vacuum ako

    Then, pauwi na ako at malapit na sa bahay, bigla ko na lang napansin na na stuck na sa 0 at hindi man lang gumagana

    Kinausap ko na yung gumawa ng aircon ko, sabi nya malabo raw na magalaw nya yung sa gauge dahil malayo sa aircon yun.

    Ano po kaya ang sanhi?

  2. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    111
    #2
    hindi binaklas ang dashboard at gauge sa pag cleaning ng CRV. Unlike sa mga Altis, Innova Vios and others na kelangan baklasin buong dashboard

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    102
    #3
    sir,

    baka po nag loose connection doon sa speed sensor? sa pagkaka alam ko yung sensor nasa tranny ata.

    hth

  4. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    111
    #4
    possible kaya na dahil sa carswash or sa pag linis ng aircon? ang ginawa lang sa aircon is, baklas yung cabin compartment at dun hinugot yung blower at evaporator, at palit ng filter sa condenser which is binaklas ang front grille

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #5
    most probably, hindi naibalik yung sensor ng speedo.... pero iniisip ko, parang hindi naman magagalaw ito kung sa aircon ang nilinis.

  6. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    111
    #6
    Sir, bumalik na po ang speedo. Baka dahil sa carwash o masyado lang talaga mabagal yung takbo ko. Heavy traffic kasi, medyo na taranta lang

Tags for this Thread

Honda CRV 2004 Speedometer Not working