New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 18 of 18
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #11
    onga school service......


    garage service na din biyaheng ayala laki ng kita jan! umaga at gabi lang ang gamit ng sasakyan mo

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #12
    parang sakit lang sa ulo!

    sira dun, sira dito, nahuli driver, na wrecker kotse..... etc etc

    tama school service na lang o di kaya rent a van!
    may friend ako rent a van, siya na rin ang driver, nakaka pasyal pa siya! everyday

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,767
    #13
    hmm maganda yung "garage service" na yan ah..
    may permit din ba yun?

    yan ba yung mga nakikita ko along ayala pag uwian na??

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #14
    yan nga yun....... alam ko may association sila. alam ang malalakas eh yung nasa may landmark. kasi may mga stickers and permit sila sa ayala.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    796
    #15
    Mas maganda nga kung Garage service kasi di laspag yung sasakyan dahil umaga at gabi lang ang byahe. Ok din school bus kaso alam mo naman ang mga bata, medyo malikot at siguradong pupunuin ng sulat ang loob ng sasakyan. May mga asosasyon yung mga nakapila na yun. Yung nasa SM West ang alam ko 45k ang hinihingi nila sa kolorum na pumipila tapos 30k sa mga may linya na taxi. Pwede ka din pumila dun sa mga yun kaya lang isusunod ka lang pag wala nang myembro. Ang hirap naman din dun, sa dami ng myembro halos di ka na din makapila o ilang beses ka lang masasalang kasi ang dami ninyong naghihintay.

    Nasubukan ko na din mag rent a van (L300 VV) ok din sya kaya lang seasonal. Ok din nung may naging kontact ako sa ABS-CBN kasi halos everyday may byahe at artista pa sakay mo tapos kasama ka pa sa VIP treatment. Ang pinaka maganda dun nakakapasyal ka na binabayaran ka pa.

    Meron pang isang ok na pasukin. Yung mga malalaking Publishing company nag ha-hire sila ng mga private vehicles para sakyan ng mga ahente nila pag pumupunta sa mga schools. Nung ako ang nandun, binibigyan nila ako ng P700 fixed rate per day. Akin ang gasolina pati maintenance. P100 naman every hour pag lumagpas ng 6:00p.m. Try nyo nalang mag inquire sa mga malalaking publishing house kung nag oofer sila ng ganun. As of now meron yata sa REX.

    Sa taxi mahirap lalo na kung barumbado driver at kung may kalumaan na matyempuhan mong sasakyan.

    .

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,767
    #16
    if im going to buy a van ..which brand do you guys recommend?
    siguro mas ok yung rent a van..mukhang mas maalagaan
    mo yung sasakyan..
    sa 2ndhand na van ano ba ok??

    hiace (toyota)
    urvan(nissan)
    l300(mitsu)
    besta

    ano pa ba ibang brands na ok at low maintenance??

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    19
    #17
    sir you might want to try iyong Kia KC 2700S ..21 seater and dual aircon

    You're ok with either Hiace or Urvan. If passenger comfort is a concern don't get the Urvan shuttle. IMHO for a 15-pass van sobrang sikip. Ganun din sa Hiace commuter.

    suggestion lang po

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #18
    pag business ang pinag-uusapan ok yan kasi gusto mo kumita at umasenso, pero dapat wag mo ibuhos lahat puhunan mo sa isang business at least 2 business para may pangsalo ka kung medyo di mag click ang 1. peace:D

Page 2 of 2 FirstFirst 12
ok ba negosyo ang taxi??