Quote Originally Posted by dreamur View Post
Is POGO part of the BPO industry?


POGOs are not BPOs, business group tells Palace | Inquirer News

Also posted in FB (CTTO):

Ang BPO, registered sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority. Pero ang POGO, registered under Philippine Amusement And Gaming Corporation.

Ang BPO, walang franchise na binabayaran. Ang POGO, meron.

Sa BPO, kailangan ng technical, domain at soft skills. Sa POGO, kailangan ng gambling skills.

Yung BPO companies, nagpunta sa Pilipinas dahil magagaling ang mga Pilipino na kailangan nila para sa mga support and office operations. Mahigit 1.3 milyong Pilipino din ang empleyado nila. Yung POGO, nagpunta sila sa Pilipinas para dito magsugal ang mga Chinese dahil bawal yun sa China. Halos lahat ng empleyado nila, galing China at hindi mga Pilipino.

Yung BPO, may malaking ambag yan sa ekonomiya ng bansa. Yung POGO, halos wala na ngang ambag, hindi pa nagbabayad ng tamang tax.

Yung BPO, essential industry at cash resource ng maraming mga Pilipino. Yung POGO, hindi essential kundi sugal. At walang ibang rason para buksan ito maliban na lang kung totoo na cash resource ito ni Duterte.

Malinaw na hindi BPO ang POGO. Pero ang malabo ay bakit may double standard si Duterte kapag China ang involve at kung bakit pinipilit ng administrasyong Duterte na ipagtanggol at payagan ang industriyang wala ngang pakinabang sa mga Pilipino at sa ekonomiya ng bansa, nagdadala pa ng samu't saring krimen gaya ng human trafficking, kidnapping at corruption.

Billy, MU

Sent from my SM-N970F using Tapatalk
Nope! Sobranf linaw they are a gaming business.


Sent from my iPhone using Tapatalk