Tama po, kelangan picturan at tandaan lahat ng detalye. Nabangga ako ng motor last year and first time ko na involve sa ganyan. Di ko alam gagawin ko. Nakabangga sa akin ay lalaki na student permit gamit kaso kasama ang asawa na may non pro kaya nakakainis. Nung nasa scene of the crime, eh aminado na kasalanan niya kasi di siya pumreno tapos nung andun na sa police station, aba nagbago ihip ng hangin. Ayun, walang binigay kahit magkano. Wala daw sila pera. Dapat din daw bigyan ko sila ng pambayad ng motor nila. Di ka kaya ma high blood sa ganun di ba? Ending, wala nangyari. Kaya kelangan talaga habang fresh pa ang mga pangyayari, gawa na agad kasulatan at kuha ng witness.