First time ko po kasi mag claim ng insurance kasi bago pa po yung kotse ( Ford Everest) wala pa ngang plate number actually. Its under loan pa nga (BPI) so automatically BPI din yung insurance. Ganito po kasi yung nangyari. Ma la late na ako sa klase ko and pagdating ko sa bahay ng gf ko (malapit kasi sila sa school and ayaw ko magbayad dun sa pay parking, studyante lang eh, walang pera hehehe) so nakita kong bukas yung gate so dali-dali ko na pinasok yung kotse, then all of a sudden biglang nagsara yung sa right side, nagulat ako dahil pagtinggin ko sa side mirror sa right side eh natumba na (yung parang lumulutang ba) tapos may minor damage sa stepboard and nadali yung tire fender ko sa right side ( natuklap yung kalahati) So dinala ko sa agent namin sa Ford and pina estimate sa Casa, tapos around 80k yung estimate nila ( they told me na baka taasan ng insurance yung estimate?) so nag submit na ako ng requirements (affidavit, sales invoice kasi wala pang or/cr and license)

So eto po ang mga tanong ko:
-Ano po bang mga experience niyo sa pag claim( kung mabilis po ba or mabagal ang BPI) nagbasa na ako dito sa forums and some said may mga bad experiences pero sabi naman nung client namin mga 2 days lang daw at sya na daw mag aasikaso
-Magkano usually yung 1% na participation? so mga 80k e di ibig sabihin 800 php?
-Sa dad ko po kasi naka name yung kotse and nasa abroad po siya, so ok lang kaya yun?