Results 581 to 590 of 1155
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Jun 2005
- Posts
- 325
February 14th, 2006 10:19 AM #581Originally Posted by altec
Originally Posted by garyq
*altec, *garyq thanks so much for your inputs. Pwede na kaya natin i-post itong theory natin sa D4D engine woes thread and encourage every D4D owner to start/resume using biodiesel? (dapat nag-attend silang lahat ng BD lecture)
.Last edited by jaeger; February 14th, 2006 at 10:27 AM.
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Aug 2003
- Posts
- 1,251
February 14th, 2006 10:52 AM #582Jaeger, ok. Will post the details of my innova fuel economy readings over at the d4d woes thread and mention our theory. Back up mo ako duon.
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Jun 2005
- Posts
- 325
February 14th, 2006 11:51 AM #583Originally Posted by altec
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Jun 2005
- Posts
- 325
February 14th, 2006 11:53 AM #584Originally Posted by altec
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2006
- Posts
- 67
February 16th, 2006 04:10 PM #585Medyo mahaba pero worth reading naman
ABS-CBN News
Special Features (as of 1:21 AM)
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=30026
Coco bio-diesel: Matipid na solusyon sa polusyon
Itinanghal ng Probe
Huwebes, Pebrero 2, 2006
Paano ba mapapahaba ang buhay? Sagot ng mga palabiro: "Huwag na huwag kalimutang huminga." Tama naman, pero paano kung marumi at nakakalason ang hangin na iyong lalanghapin? May maganda at matipid na sagot daw dito.
Simula 7 a.m. hanggang 7 p.m. ang pasada ng tsuper na nakilala lang sa pangalang "Richard." Anim na araw sa isang linggo, Session Road – Mines View Park sa Baguio City ang kanyang ruta.
"Four years na po akong nagda-drive ng jeep. Porsyento po siya kung magkano ‘yung maneneto sa buong maghapon ‘yun ang paghahatian," ani Richard.
Sagot ni Richard ang krudo ng jeepney. Palibhasa ay bagong kasal, pursigido siyang mag-ipon at lahat ng paraan para makapagtipid, sinusubukan.
"Additive lang siya sa krudo, bale, mahal siya pero nakakatulong. ‘Yung nilagay ko kanina bale isang linggo ko na po ‘yun," sabi ni Richard.
Mahigit sa P80 ang bili ni Richard kada litro ng "coco bio-diesel." Isang porsiyento lang nito ang kailangang ihalo sa ikakargang diesel. Sa 50 litro ng diesel, 500 milliliters lang ng coco bio-diesel ang kailangang ihalo. Mahal, pero sulit daw, aniya.
"Pinapalitan niya rin kasi ‘yung konsumo. Lumakas ang hatak. ‘Yung dating maitim na usok medyo pumuti," banggit ni Richard.
Sa 10 buwan na paggamit ng coco bio-diesel, napansin din ni Richard na nabawasan pati ang gastos sa pagpapalit ng spare parts tuwing mayroong "tune up" ang jeepney. Pero siyempre ang pinaka-importante, nadagdagan ang P400 na kadalasang kinikita niya sa araw-araw.
"’Yung kinikita ko sa seven-to-seven ngayon nagging five hundred [pesos] na dahil sa bio-diesel," patunay ni Richard.
Ang coco bio-diesel o "coconut methyl ester" (CME) ay isang uri ng "alternative fuel" mula sa niyog. Isinulong ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor sa Baguio City ang paggamit ng alternative fuel matapos lumabas sa pag-aaral ng World Bank na Baguio City ang siyudad na may pinakamaruming hangin sa bansa.
Tinanggap naman
Hindi hamak na mas maliit ang land area pero ang Baguio ay nakapagtala ng 75.2 fine particle emissions kumpara sa 65.8 ng Metro Manila, 45 ng Cebu at 39.8 ng Davao.
"We reacted. We didn’t like their publication. Pero kahit nagaglit, sabi namin mabuti nga ito parang wake-up call," ani Baguio City Councilor Erdolfo Balajadia.
Ang pinagkunan daw ng World Bank ng "sample particle emissions" ay sa ibaba lang ng Session Road na pinagtatagpuan ng mga pribado at pampublikong sasakyan.
Mahigit sa 20, 000 ang sasakyan sa Baguio City at may 15, 000 rito ay pampasahero. Higit kalahati ng pampasaherong mga sasakyan ay gumagamit ng diesel, ang nangungunang pinanggagalingan daw ng polusyon.
Imbes na aksayahin ang panahon sa pagrereklamo, tinanggap ng Baguio ang hamon na maging pilot project ng Clean Cities Program. Ang programa ay binuo ng US Department of Energy at pinopondohan dito ng USAID sa ilalim ng Sustainable Energy Development Program (SEDP).
Nais ikalat ng programa ang paggamit ng alternative fuel lalo na sa transport sector. Para maengganyo ang ilang kinakampanyang grupo, sinagot ng Clean Cities Program ang pamamahagi ng bio-diesel sa loob ng tatlong buwan para sa mga sasakyang nakapailalim sa programa.
"I’m thinking of the health of the constituents. ‘Yung pollution na nilalabas. Never mind if it’s a little bit expensive but then if it will lessen the diseases that is caused by the emissions, then I would support the effort," ani Balajadia.
Inumpisahan ni Balajadia ang kampanya sa paggamit ng coco bio-diesel sa kanyang sariling sasakyan. Pareho sila ng naobserbahan ni Richard: mas magandang takbo ng makina, may dagdag na layo ng nararating at mas malinis na usok Sa loob lang ng tatlong buwan, may nakita na raw na pagbabago sa Baguio City.
"We conducted our own research and we discovered na around sixty five to eighty percent ng pollution na naalis sa emission ng mga sasakyan. The air quality of the city has considerably improved," ani Balajadia.
Sa Lower Session Road tumutok ang Bagiuo Clean Cities Coalition at kitang kita na nagging mas malinis ang air quality as siyudad noong nakaraang taon.
May panahong itinigil ng Bagiuo Clean Cities Coalition ang programa at napansin nitong lumala bigla ang polusyon sa hangin ng siyudad.
Patunay
Gustong patunayan ng Baguio Clean Cities Coalition kung talagang ang programa nito ang dahilan sa paglinis ng hangin sa lungsod kaya ipinatupad mulit ang programa at bumaba na naman ang "particulate emissions" sa Session Road.
Tumaas ang benta ng bio-diesel sa Baguio City, patunay na dumarami ang sumusubok na gumamit nito. May 10 porsyento ng mga pampasaherong sasakyan doon ang gumagamit na ng bio-diesel. Puntirya ng grupo na mapataas ito ng 80 porsiyento sa susunod na dalawang taon.
Tuwang-tuwa ang mga tao sa likod ng SEDP sa nangyari sa Baguio City lalo at hindi maganda ang opinyon sa bio-diesel nang una itong inilabas sa merkado noong dekada '80.
"Marami pong natanggap na mga reklamo ang Department of Energy katulad po ng bumabara po doon sa hose ng sasakyan ‘yung bio-diesel noon. Meron pong isang component na ginagamit po sa sabon o shampoo na hindi po natanggal," ani Divina Chingcuangco, country director ng SEDP.
Bunga ng pangyayari, hirap ang SEDP na magkumbinsi ng mga tao ngayon.
"Natural lang naman sa tao na matakot sila e na gagamit ka ng isang produkto na bago na hindi mo alam kung ano ang impact sa makina mo. ‘Yung naging concerns o issues na sinasabi nila sa amin una galing sa niyog ‘yun so madali s’yang mapanis, di ba? Ganun, ‘yung aamagin. Actually 1980s ganun din yung nangyari inaamag sa loob ng makina," ani Chingcuangco.
Lumapit ang Department of Energy ng Pilipinas sa USAID para maisailalim sa pagsusuri ang bagong pakilalang coco bio-diesel na gawa sa Pilipinas noong taong 2000. Kailangan masagot ang mga katanungan ng mga motorista, pati na ng mga may-ari ng gasolinahan na may agam-agam tungkol sa pag-iimbak at pagtitinda ng "pre-blended coco bio-diesel." Pumasa sa American standard ang coco bio-diesel pagkatapos ng isang taong pag-aaral.
"Bio-diesel has been used around the world, tests have been done. We have, you know decades of experience in the states and in some European countries so we know, we know that it works. Part of what we’re doing with our Clean Cities Program is sharing experiences from other countries that they have done. They have used bio-diesel and cars have not broken down," ani Daniel Moore, hepe ng USAID sa ilalim ng US Office of the Energy and Environment.
Sa pribadong sektor
Sa maiksing panahon na inilagi ni Moore sa bansa, halatang halata raw niya ang sapin- sapin na problemang dala ng ating paggamit ng "fossil fuel" -- pagsandal sa inangkat na langis na humihigop ng dolyar, polusyon at mga sakit na dala nito.
"It’s frightening and it’s a problem that needs to be addressed and confronted. For me, it’s enough to drive, to work along EDSA and see people on the side of the road coughing or holding their hand or handkerchief over their mouth," ani Moore.
Marami umanong solusyon sa mga suliraning nabanggit, pero ang kailangan ay suporta ng lahat -- mula sa pamahalaan hanggang sa mga negosyante at mamimili.
Sa panig ng Malacañan, inilabas ang Memorandum Circular 55 noong Pebrero 2004 na nag-uutos sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan na gumamit ng bio-diesel sa mga sasakyan nito. Walang makapagsabi kung ito ay nasusunod. Ang pribadong sector, nais munang maniguro.
"The private sector is not going to come in without some reasonable assurance that there’s going to be demand for what they are going to grow or sell or produce," banggit ni Moore.
Pero tiwala si Moore na papatok din ang bio-diesel.
"You have all these benefits lining up so it seems like everyone should jump on the bandwagon. It makes sense for the whole country," giit ni Moore.
May naaaninag na pag-asa ang Clean Cities Program. Sumama na sa programa ang Davao, Marikina at Makati at may mga pribadong tanggapan na sumusubok gumamit ng coco bio-diesel tulad ng iBank.
"As part of cost management I’m looking at it as a possible way to get more from the money for fuel. I’m doing the pilot testing for five vehicles na mino-monitor naming," ani Johnny Sta. Ana ng iBank.
Naengganyo si Sta. Ana na subukan ang bio-diesel dahil na rinsa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng diesel. Nagtanong siya as SEDP at siyempre inuna niyang sinubukan ang bio-diesel sa kanyang sariling sasakyan.
"Gumaan ang takbo ng sasakyan ko. That’s number one. Number two, ‘yung vibration niya was minimized. Alam mo naman ang diesel medyo para kang epileptic ‘pag maano and then number three, later on I found out na medyo maganda. I get more kilometers in one week. I save about roughly three hundred to four hundred pesos," ani Sta. Ana.
Sa loob ng tatlong buwan, tumaas ang milyahe ng mga sasakyan ng iBank mula 2. 766 kilometro kada litro hanggang 3.18 kilometro kada litro.
Bukod sa natitipid, napakalaking bentahe raw na hindi na nakadadagdag pa sa problema ng polusyon ang kanilang mga sasakyan.
-
February 16th, 2006 06:12 PM #586
katatapos ko lang ulit ng emission test ko.
aced it again: K reading : 0.16
last year, 0.22, nung 2004 =0.62, nung 2003 = 0.65
In all cases, I just load my ride 1 liter of biodiesel per full tank, 1 or 2 weeks before my emission test, ayos na... parang nilabatiba ang tambutso mo, malinis na malinis...no black smoke even * 4000 RPM... ;)
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2006
- Posts
- 27
February 17th, 2006 10:55 PM #587Has anybody used ethanol mix? Thailand uses i think 10% mix. I'm from negros and this is where ethanol will be widely processed from sugarcane. We did have alcogas before but i dont know what happened to it.
-
- Join Date
- Dec 2002
- Posts
- 2,335
February 17th, 2006 11:57 PM #588Originally Posted by rsnald
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2005
- Posts
- 123
February 18th, 2006 09:58 AM #589Jaeger, nice input. But you cannot blame if we would not resume using BD anymore because of the incident that happened with us. If only Toyota would back it up or support the use of BD, then at least those D4d owners like us would have confidence to resume using BD.
Originally Posted by jaeger
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2006
- Posts
- 67
February 18th, 2006 12:53 PM #590Originally Posted by lord
parang some of the countdown timers along taft ave manila, aren't functioning today... or am i...
SC (temporarily) stops NCAP