
Originally Posted by
playplugg
Sir AnitoKid,
Since ang route nyo po is from sucat to pasay/makati, (80% highway driving 20% city driving)
Montero po ang good choice, since 4D56 engine naman ito, proven at reliable, at fully upgrade dahil ginawang 16V at common rail na rin...
Smooth ride naman at hindi matagtag, nagiging matagtag lang po once na dumaan sa malalim na lubak..
yung FC between non-VGT at VGT, hindi naman po nagkakalayo,
FC efficient pag highway driving at normal speed (13-15KMS/L)
and the most important safety features na meron sa montero, yung ABS/EBD at airbag,
ang disadvantage naman po sa montero,
pag meron kayong passenger na senior citizen/kids, kailangan po alalayan para makasakay at makababa..dahil sa height ng sasakyan
then sa extreme stop-and-go traffic, lalo sa edsa, 5-6KMS/L ang consumption, (montero namin ay MT 4x4 VGT), dahil sa gear ratio, hanggang 2nd gear lang lagi pag gapang ang traffic, dahil alanganin sya sa 3rd gear, at di kaya sa 4th gear pag under 40KPH speed,
(dahil masyadong malakas ang makina at torque, the same time, yung gear ratio ay di nagkakalayo sa AUV[Revo, crosswind, adventure] kaya kailangan i-match yung gear sa certain speed at RPM, para di maginig ang makina..
Since CRDI at drive by wire, medyo complicated, at kailangan maalaga pag dating sa maintenance.
sa passenger setting naman, kung sagad na 7 person ang sasakay, yun lang yung sa rear area lalo na po kung meron pang dadalhin na gamit, limited na yung space..
Saka po yung SUA issues na sinasabi, driver error na po ito, nakapag-drive po ako ng AT version ng montero at bagong labas na strada, during test drive event, meron po delay, lalo po kung sanay sa MT, very manageable po na i-handle ang AT version. kung familiar po kayo..
Kung crosswind naman, ok naman, proven at reliable, nearly indestructible na machine...at gawang pinoy,
mas malaki yung interior, at mas maraming passenger/cargo load ang mailalagay,
FC efficient pag extreme stop-and-go traffic (6-8KMS/L)
di complicated ang maintenance, dahil more on mechanical at hindi drive-by-wire
saka di mahihirapan makasakay ang senior citizen, or even kids, dahil tama lang yung height ng crosswind.
ang disadvantage,
malakas ang FC pag dating sa highway driving, since 8valve, at less HP at torque, nawawala na yung efficiency, lalo pag full load pa,
outdated na rin dahil majority ng sasakyan ngayon 16V na kahit mababa ang displacement ng engine, para maging FC efficient. + yung basic safety features, (Walang ABS/EBD, at airbag)
kung pag dating sa flood wading clearance, pareho naman po ito makakalusot sa baha, (not unless kung lagpas tao na talaga)
kung sandalian lang po na-exposed, ok lang po, pero kung a prolonged period exposure sa baha...
mandatory unscheduled PMS, ang dapat gawin, for inspection (under-chassis) major cleaning sa brakes/repack ng bearings sa chassis...(kung drive-by-wire, yung mga electrical components sa chassis na kailangan i-check)
para iwas corrosion at material failure sa certain parts/component, dahil kahit anong brand pa ng sasakyan, once na exposed sa baha...wala pang isang taon po...magkakaroon po talaga ng breakdown related sa under-chassis..
Since ang plan ng pagkuha nyo po ng sasakyan is late quarter po ng 2015, at early 2016...
Dami po lalabas na new model units ng different brand, at makakapili po kayo at saved budget to upgrade sa higher model variant...later on
Kaya meron po kayong time enough to choose and decide kung ano po yung sasakyan na suitable na gamitin...