Patulong naman yung kapatid ko.. He's a 2nd Year med student tapos nagpapatulong saken kung ano bibilhin nya na kotse. Sub compact ang kotse na napili namen kase mahihirapan na ipasok sa garahe namen kapag compact car pataas na ang bnili namen at sabay sabay kame nagpark. Right now parang Jazz ang gusto namen pero naisip ko na magkakaroon na ng full model change next year (5th year na ng current Jazz) kaya maluluma na kagad yung sasakyan nya. Ang isa na nakita ko na maganda na pwede eh yung Kia Rio hatch kaya lang wala pa ako nakikitang review nito. 3rd option eh yung Ford Fiesta, medyo ok din naman itsura nya. Ano kaya pinakamagandang option nya sa tatlo?