New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    41
    #1
    Hello po!
    Hingin ko lang po 'yung suggestions n'yo tungkol sa pagbili ng second hand car.
    Nagpunta po ako kanina sa mga buy and sale carshops sa mindanao ave, pinagpipilian ko po tong dalawang model na ito:

    Toyota Corolla GLI 1996: ~103K mileage, ok pa naman ang makina, PhP 180,000.
    OR
    Mitsubishi Lancer EL 1997 (pizza pie): ~101K mileage, PhP 185,000.

    Ano po sa tingin nyo ang mas maganda, matibay, at mas iwas konsumisyon sa dalawa?

    Patulong po kasi bibili po ako ng una kong sasakyan (at medyo limited sa budget) at hindi po ako makapagdecide.

    May alam din po ba kayong bilihan ng mga sasakyan na mas mura, mga around 150,000 po ang price?

    Salamat!

  2. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    222
    #2
    get the GLi

    EL ksi ng lancer prang low class ng lancer yung wlang tachometer.

  3. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    41
    #3
    salamat co_nixz!

    nung nakita ko, mas mukhang bago 'yung tsura nung EL, kaya pinag-iisipan ko din, pero kung sa makina, ok naman daw parehas, sabi nung mekaniko na kasama ko.

    may iba pa po ba kayong alam na sedan-type na kasya sa budget ko: 150,000-160,000?

    salamat!

  4. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    222
    #4
    try to contact this person

    Ate Rhea

    Shop:9112219
    Cell:09178056479

    (sabihin mo ni-reffer ka ni Nico yung customer nya nka Pickup na red)

  5. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,563
    #5
    mas ok yung toyota gli kasi yun yung highest model nila.
    yung mitsu el naman i think yan ang low model ng lancer.
    check mo rin mabuti yung condition ng car.

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #6
    Tumingin ka na dito sa tsikot carfinder? maraming direct seller baka mas makakamura ka pa.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #7
    EL is 97? pizza look na yan. kaya lang, wala pang power amenities yan except for the power steering, i think.
    pero the GLi is a better choice, feature and performance wise.

    but then, mas maganda ang fuel consumption ng EL compared to the GLi. it is all your choice.

    but if it is me, i would still choose the GLi.

  8. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    41
    #8
    Salamat sa lahat ng nag-reply...

    Sa bandang huli, mukhang wala sa dalawa 'yung maibili kong sasakyan.

    Nakakita kami ng Nissan Sentra Series 3 1996 (mileage: 131thou), ibinigay ng 130,000, sabi ng tito ko, 'yun na lang daw ang kunin, kesa ung 180thou, makakatipid pa daw kami ng 50thou, ipunin na lang daw 'yung 50thou para makabili ng brand new, 5 years from now...


    Kayo, any feedbacks sa car model na bibilin namin?

    ulit, maraming salamt sa mga nag-reply!

  9. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    177
    #9
    Quote Originally Posted by erebus View Post
    Salamat sa lahat ng nag-reply...

    Sa bandang huli, mukhang wala sa dalawa 'yung maibili kong sasakyan.

    Nakakita kami ng Nissan Sentra Series 3 1996 (mileage: 131thou), ibinigay ng 130,000, sabi ng tito ko, 'yun na lang daw ang kunin, kesa ung 180thou, makakatipid pa daw kami ng 50thou, ipunin na lang daw 'yung 50thou para makabili ng brand new, 5 years from now...


    Kayo, any feedbacks sa car model na bibilin namin?

    ulit, maraming salamt sa mga nag-reply!


    ok naman ang performance ng Series 3.. ang normal na sira dito is yung suspension at aircon ... pero mabilis rin ang hatak ng makina..definitely mas mabilis kesa lancer EL..

    i would suggest na tawad ka pa.. medyo mataas pa ang 130k pesos for the 131k mileage.. yung senta series 3 nabili namin ng 150k pesos two years ago.. mga 50k pa lang ang mileage nun.. the demand for a second hand sentra is low.. so I doubt kung nde sya papayag babaan pa..

  10. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    41
    #10
    Sige, try pa naming tumawad...

    Medyo madami pang bagay na dapat ayusin, pero mga minor na lang naman...

    Maraming salamat...

    teka, bluejazz, kung ikaw ang tatawad, magkano mo nga pala bibilin 'yung sasakyan?


HELP: 2nd hand car! Toyota GLI 96 or Mitsubishi EL 97?