Hello po!
Hingin ko lang po 'yung suggestions n'yo tungkol sa pagbili ng second hand car.
Nagpunta po ako kanina sa mga buy and sale carshops sa mindanao ave, pinagpipilian ko po tong dalawang model na ito:

Toyota Corolla GLI 1996: ~103K mileage, ok pa naman ang makina, PhP 180,000.
OR
Mitsubishi Lancer EL 1997 (pizza pie): ~101K mileage, PhP 185,000.

Ano po sa tingin nyo ang mas maganda, matibay, at mas iwas konsumisyon sa dalawa?

Patulong po kasi bibili po ako ng una kong sasakyan (at medyo limited sa budget) at hindi po ako makapagdecide.

May alam din po ba kayong bilihan ng mga sasakyan na mas mura, mga around 150,000 po ang price?

Salamat!