New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6
  1. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    153
    #1
    Hi. Am thinking about buying one of these cars - '95-'97 model. Interesado lang po ako sa 2.0 variants na manual. Alin po ba dito ung matipid sa gas at madali maintain? Porma? Interior? Sana po makashare ang actual owners ng actual fuel consumption sa city at highway. Di po ako sanay sa gas na makina so wala ako idea sa mga ito. Sana po matulungan niyo ako. Hope to hear from you. Thanks in advance.

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #2
    corona matipid pero kung sa space naman halos kasing laki ito ng bigbody ng corolla sa maintenance para ka lang din nag memaintain ng corolla GLi ibig sabihin madali lang. kung popormahan madali lang din para ka lang din nagpapaporma ng corolla bigbody. konsumo ko sa gasolina ng meron pa ako nyan ex ay 500 pesos na gasolina na kung susumahin sa ngayon ag 650 pesos na bale ang biyahe ko from "mula sa tirahan ko sa san francisco del monte qc papuntang sa work ko sa pasong tamo makati, vice-versa" limang araw ko nang gamit yan.

    pero sa biyaheng probinsa mula sa amin biyahe ako ng pupuntang balanga bataan ay 700 pesos na gasolina ay balikan na yun ay may sobra pa akong isang araw na gamit para sa pagpasok ko sa work.



    camry halos hindi nagkakalayo ng konsumo sa gasolina ng corona, interior mas maluwag at medyo komportable gamitin kasi medyo luxury ang dating nito, kung bibihisan mo para pormahan ay medyo mahirap. maintenance ok lang din medyo madali pero ang piyesa naman nito ay mas mahal kesa sa corona.

    ayon sa pinsan ko na meron nito at hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang konsumo nya sa gasolina mula tandang sora hanggang buendia makati kung saan sya nagwowork vice-versa ay gastos nya sa gasolina sa loob ng 6 at kalahating araw ay 800 pesos at nung parehas naman kami bumiyahe papuntang balanga bataan din bale ang ang gastos nya rin ay 800 pesos balikan na rin yun may sobra din..... hindi na masama.


    accord ok na ok din medyo malaki din ang loob at komportableng din gamitin dahil nasubukan ko na ito nung napag tripan kong makipag palit at hiraman ng sasakyan sa kaibigan kong may accord sa loob ng limang araw para obserbahan kung kaninong sasakyan ang mas matipid gamitin bale bago naman gawin yan ay kapwa nakalagay sa level ng 1/4 fuel gauge naman at saka namin lalagyan ng gasolina para gamit sa limang araw ng pag pasok sa trabaho...... kapwa kami nagwowork sa makati pero sa ayala naman ang kaibigan ko.

    ang kaibigan ko ay taga project 8. samantalang ako naman ay kalagitnaan ng frisco at muñoz, nagtawagan muna kami kung magkano ang ang ilalagay na gasolina at ang nakapagkasunduan namin ay yun sinabi kong 500 pesos. after nyan ay ang naging resulta ay kung ano ang kinokonsumo ko sa dati kong corona ay ganun din ang nakunsumo ko sa hiram kong accord, take note ha 2.2 liter pa ang accord ng kaibigan ko samantalang ako 2.0 na dapat daw ay mas matipid kesa sa 2.2.

    sa piyesa naman ay halos hindi nagkakalayo ng presyo sa corona



    nissan cefiro asahan mo na ito malakas masyadong kumain ng gasolina v6 2.4 ang makina nito minsan nag nung nakapag hiraman din ako sa visor ko yung 500 pesos na gasolina na inilagay ko hindi man lang umabot ng 3 araw pero nung subukan kong ibiyahe papuntang balanga bataan sinubukan kong lagyan ng 600 pesos sa tangke ng kotse at nag lagay din ako ng gasolina sa isang container na kasing laki ng container ng tubig na may gripo para makasiguro ako sa obserbasyon ko. nakakatawa ang resulta 600 ko mula sa amin papuntang balanga bataan vice-versa ang biyahe bihira may sumobra ng konti so ibig sabihin kapag rektahan na biyahe lalo na kung malayo matipid syang gamitin.

    piyesa mapa bago at surplus mataas ang presyo kung sa availability marami rin ito.

    kung popormahan mo ang cefiro ok din pero maipapayo ko para gumanda yan eh palitan mo na lang ng mags na kahit surplus lang na ang sukat 19" or 20" ipaayos at ipa chrome mo na lang tapos naka low profile na gulong ka dyan palang maporma na at hindi na kelangan kung anu-ano pa.

    sa maintenance masyadong mataas ito kasi mas luxurious ito kesa sa camry at accord pero pagdating naman sa aircon ay pinakamalamig ito sa lahat ng japanese cars dahil ang nissan ay maganda ang cooling system ng aircon.


    galant sa porma ok sya at madaling bihisan sa loob ok din kasi medyo maluwag din pero sa konsumo ng gasolina kahit yung 4 cylinder nito ay malakas komunsumo para din nissan cefiro lalo na kung city driving. sa maintainance para kang nag memaintain ng lancer.

    piyesa mas mahal ng konti sa lancer at marami-rami din

  3. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    153
    #3
    Maraming salamat po boy_tino sa napaka impormatibo ninyong response. Ung P130 per day niyo po sa accord at corona ay hindi ko po masyado maimagine kasi hindi ko po alam kung gaano po kalayo ang san francisco del monte sa pasong tamo. Taga paranaque po kasi ako. Ma traffic po ba? Mga ilang kilometro po iyon sir na balikan?

    Ung nabanggit niyo din po na camry ay parang matipid din po kung P800 for 6.5 days. Ilan kilometro po ba ang tandang sora sa buendia?

    Yung corona, camry at accord na binabanggit niyo po ay manual or automatic?

    Ano po mas nagustuhan niyo sa tatlo: corona, accord or camry? Maramaing salamat po uli sir.

  4. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #4
    oceanrider manual yun binabanggit ko kasi ang tanong nya yun manual variants ng 2.0

  5. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    155
    #5
    Mas masarap pormahan ang TOYOTA CORONA EXSIOR 98 yung nka extended bumpers na at naka factory leather na.Lagyan mo ng 17 chrome mags, HID,sound set up sa likod.headlamp wipers,front mask. hanep gandaa!!!

  6. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    153
    #6
    Quote Originally Posted by downshift2 View Post
    Mas masarap pormahan ang TOYOTA CORONA EXSIOR 98 yung nka extended bumpers na at naka factory leather na.Lagyan mo ng 17 chrome mags, HID,sound set up sa likod.headlamp wipers,front mask. hanep gandaa!!!
    Maganda nga corona. Any real world experiences from other owners of the other vehicles?

camry / corona / galant / accord /cefiro