
Originally Posted by
termenk11
hi po mga master, pasensya na po sa pag hijack ng thread. Makikisuyo po sana. hingi lang po sana ng recommendation ng 2nd hand na sasakyan. Ang budget ko po is 200k-250k po. Ang purpose po ng sasakyan is for hatid sundo sa school ng anak ko, pang grocery at pang punta ng mall. Taga Carmona po kami. Usually na pupuntahan lang po is within Carmona, Southwoods, Binan, at Sta.Rosa. Automatic po sana since dun po kami sanay ni misis. Gustuhin man po namin ni misis na bumili ng brand new pero hindi pa po namin kaya ang magbayad ng monthly.
Sa ngayon po kasi motor lang ang ginagamit namin. 7 years old na po yung anak namin at lumalaki na. Mejo lumiliit na yung motor namin para sa aming tatlo, lalong lalo na po kapag umuulan. Maraming maraming salamat po sa mga magrereply.