New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    4
    #1
    mga sir baka po pwede makahingi sa inyo ng some advices, balak ko po kasi bumili ng Van pang pasada po sana ang choices ko po ay Nissan Urvan,L300 VV at MB100 dq na po siguro maisasali ang hiace dahil po medyo kapos sa budget 400k below po ang budget ko, Anu po ba ang low maintenance at gas sa mga van at maganda sa mga ito...Tnx po mga sir....

  2. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    245
    #2
    Siguro Urvan na kasi maraming maiuupo at pangmatagalan ang Aircon ng mga Nissan. Malakas din ang hatak ng Urvan dahil mas malaki ang displacement ng makina niya.

  3. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,284
    #3
    Ayaw mo ng Starex Jumbo? Pasok din yan sa criteria mo.

  4. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    4
    #4
    kasi pang pasada po eh ang starex medyo kaunti lng maisasakay,,,
    urvan naman daw po kasi mahal ang PARTS NIA pag nasira.,...ung ang pinag iisipan ko pa kung mag URVAn aKO..

    any SUGGESTIONS po jan..tnx...

  5. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #5
    may starex 12 seater. maganda sa starex mura pyesa and madali lang maintenance.

  6. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #6
    nacheck nyo na po ba sa nissan dealership kung pano ung financing terms for the urvan? A sales agent once handed me a flyer about it, complete with ROI computations. Check nyo po at baka kayanin naman since ipampapasada nyo naman.

  7. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,237
    #7
    Sa tatlo, ang MB100 ang may pinakamalakas na makina at 2.9 liters (105hp). Yun nga lang, ito rin ang may pinakamataas na fuel consumption. Nakasakay na ako dito dati, kumportable naman siya at malamig ang aircon. Yun nga lang, ang ingay ng makina! Mas mahina pa yata ang tunog ng makina ng mga malalaking truck! At since Mercedes ito (kahit na rebadged Korean lang ), siguradong may kamahalan ang maintenance at piyesa nito. Ang L300... sobrang luma na para sa akin, mahina ang makina (73hp), hindi matipid sa gasolina at pangit tingnan. OK na siguro ang Urvan. Malamig ang aircon, medyo malakas naman ang hatak (84hp) at baka makakuha ka pa ng 18 o 21 seater na Urvan at maging mas marami pa ang kita mo sa isang ikot. What do you mean by pampasada? As in yung parang GT Express?

  8. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    4
    #8
    pag iisipan ko yan starex..heheh,,yung mb100 nga din po ang type ko kaso malakas nga daw po sa gas dahil malaki ang makina nia,pero luxurios ang tindig pati body nia malaki kasi.,,,
    hindi ko pa po nakikita ung about sa financing ng nissan. bago lang po ako magkakaroon ng van kung loloobin po kaya nagtatanung tanung po ako dito kung anu ang pinaka best buy
    opo ipapamasada ko po ung GT express po and wala pa din po ako idea about sa line nia..kasi iba2 ang sinasabi my 120k, my 150k my 180k ang mamahal pala
    at kaya naman din po nakasama ang L300 sa selection ko ay medyo cheaP SIya compare to other van makaka 2 L300 na ako sa isang URVAn..heheheh
    pero ang daMI KO NGA po naririnig na mga bad comments pero still matibay dw po ito..
    tnxpo ulit more suggestions pls........

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #9
    [SIZE="4"]REMINDER: do not post messages in SMS/TXT shortcut format.

    Use proper punctuations, sentence structures and paragraphs. If your message is hard to read, less people will bother even trying to read and reply.

    Read the RULES.

    Ignorance is NOT an excuse.

    Repeated offenses will lead to banning.
    [/SIZE]

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,237
    #10
    Tama! Yung Starex maganda rin! Kumportable yun at malawak. At yung makina niya turbocharged and intercooled. Kung gusto mo mag automatic ka pa para hindi ka mahihirapan sa trabaho.

Buying 2nd hand Van