New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 27 of 31 FirstFirst ... 17232425262728293031 LastLast
Results 261 to 270 of 302
  1. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    1,621
    #261
    flagg,

    i just went through replacing a power window motor on my jap sedan. it cost 3k surplus. i have no doubt that a new one would be within shouting range of that bimmer window motor.

    and guess what... same thing. damnable plastic gear!

    actually the local "idiots" in banawe thought the motor was busted so they rewound it. obviously it still failed to work so they replaced the whole assembly. when i got home i took it apart and discovered the plastic gear. some of the teeth had jammed the worm gear. i took a knife and cut off the broken teeth. now it turns again!! (but i have no need for it.. maybe when another window conks out)

    although with those cut-down teeth, the window might not be able to go up when the worm gear is over the damaged teeth. oh well..

  2. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #262
    Sir orly, another weird thing... 14k yung REAR power window motor. Yung front 6k lang. Diba mas malaki pa yung glass sa front windows? Weird.

  3. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    1,621
    #263
    it's probably supply and demand. mas common masira ang front motors so mas mura.

    i bet the first window motor to give way is the driver one.

  4. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    175
    #264
    Hi BMW lovers,

    Makikisali po. A few months ago I had two 320s but one is a 2DR and the other one is a 4DR model (I included the pictures of the two before they went in the container kaya konting pasensiya sana at puno ng boxes yung luob). Aaminin kong hindi ako masyadong fan ng BMW siguro dahil mas prefered ko ang Japanese models kaya lang siguro dahil dito sa dalawang oldies ay naalala ko ulit yung dating dream car ko na 850 coupe. Ewan ko kung blessing in disguise ay last week ay may nag offer sa aking ka tropa na nasa car biz din at inalok ako kung interesado raw ba ako sa lumang (dead) BMW 850 coupe. Without seeing the car I said I'll take it (w/c is very normal for car dealers like me...). Nung nakita ko yung 850 ay talagang naawa ako sa hitsura. Pinabayaang nakatambak lang at ang baho na nung gasolina dahil nabulok na. Kalbo ang mga gulong, tangal-tangal ang ilang interior panels, at madumi. Walang dents pero medyo maydi balanse ang front bumper at nalaglag sa loob ng bumper ang isa sa center louver. Pangit din ng paint at halatang tinira ng can pray ang ilang areas ng kotse siguro dahil nag fade ng konti ang kulay kaya ayun, medyo mukhang military camo yung pintura. Sabi sa akin ay tumatakbo raw ito dati at pati gearbox ay inoverhaul ng BMW Japan at isang katerbang piyesa rin ang napalitan na daw kaya lang yung bushing sa lower arm ay may kalog na at walang parts??? (w/c I doubt)...
    Ayun tinambak na at di ginamit kaya talagang mukhang kawawa yung 850.
    Hinila ko pataas ng truck gamit ng winch at dala sa lugar ko. Inis nga lang dahil hanggang sa ngayon ay di ko pa rin maasikaso dahil busy sa trabaho at nung sinubukang kong kabitan ng battery ay alarm ng alarm yung security pero original keys naman ang gamit ko. Nakakahiya dahil konting galaw lang ay nagwawala na yung alarm at nakakahiya talaga sa mga dumadaan dahil baka akalaing itong foreigner na weirdo ay nagnakaw ng junker na 850. Kumpleto naman sa papeles yung kotse kaya lang ay di ko talaga mapag desisyonan kung worth ang oras kung ire-restore ko ito. Siguradong hindi biro ang kailangan kong gastusin at laki rin ng trabaho. Pinag-iisipan ko ngayon kung ire-restore ko ba ito, pipiyesapiyesahin o di kaya ay i-export. Meroon lumapit sa aking foreigner na exporter din na nag-offer na bibilhin daw niya ito pero medyo nakahalata akong mukhang gusto niya akong baratin at medyo nagpaparinig na gusto ng libre kaya sabi ko ay gagawin ko na lang box yung kotse at least maporma maski luma kaysa ibigay ko sa kanya ng libre. Nag-iisip pa rin ako kung ano ba talaga ang gagawin ko dito sa 850 dahil dati kong dream car ito at sigurado naman akong hindi ko gagamitin ito maski matapos ko man ang pag re-restore nito dahil hindi nga ako pwedeng gumamit ng sedan dahil parati kong kailangang dalihin ang motorsiklo ko sa van. Meydo useless kung aayusin pero syempre ay gusto ko ring makitang tumakbo ito. Sigurado naman akong kaya kong irestore ito dahil matagal na rin akong nag rerestore ng crashed at heavily damaged cars kaya lang ay karamihan ay newer Japanese muscle cars at medyo ilag ako sa foreign made cars at ang pinakamalaking problema ay presyo ng mga piyesang kakailanganin diba.
    Kung nasainyo kunyari itong 850 ay irerestore nyo ba o ano?

    PS:Kung gusto ninyo ng pics nung lokbung 850 ko ay pwede kong kuhaan at i post ang ilang pics nito... yun nga lang baka ma shock kayo. Konting advice naman diyan mga BMW lovers...
    Last edited by Trials Jpn.; July 16th, 2006 at 04:12 AM.

  5. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #265
    Quote Originally Posted by orly_andico
    it's probably supply and demand. mas common masira ang front motors so mas mura.

    i bet the first window motor to give way is the driver one.
    Actually, sa akin, yung una yung sa driver's side rear unang bumigay. Mga 5 mos. sya sira kasi di ko ma-justify sa sarili ko yung cost. Nobody uses that window anyway.

    The last one na bumigay yung driver's side. Weird din no? Araw-araw, several times a day ko gamit yun kasi smoker ako e.

    Nung bumigay yung akin.... dun ko nalang inayos lahat. Ehehe. Kawawa bro ko nung minsan sumama sa akin tapos sira window nya. Sa sunroof sya nag-flick ng ash.

  6. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #266
    Sir TJ, AFAIK, yung 8-series ay yung BMW na di mo dapat bilhin.

    This is because yung electrical system nya ay multiplexer-type. Kung may electrical fault, di mo ma-trace dahil nga multiplexed sya. Tapos ang daming piyesang naka-depende sa electrical system na ito. Siguro kaya alarm ng iyo ay wild.

    May nag-offer nyan samin mga 1999. Ganda't makinis 1.5m lang. Dream car ko pa naman din, pati si erpat. Buti nalang naging friend namin the late Mr. Ralph Hahn (God Bless his soul), siya nagsabi sakin na wag kunin yung 850 and why.

    Sa bagay, junker naman yung sayo so pede palitan yung mga wiring harness. Pero mga BMW talagang mahirap kalikutin e. Maraming sinadyang 'proprietary' na nakaka-frustrate. Parang yung "Use BMW approved coolant only."

    HTH

    Btw, dami 6 series dyan sa Japan a. Baka naman magustuhan mong mag-ayos nalang ng M635CSi... ganda nun. Wala pang high-tech na kalokohan.

  7. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #267
    * Trials Jpn - A couple of quotes regarding the 8-series ... just to give you an idea regarding restoration.

    From WHAT CAR?:
    For - Elegant proportions, effortless performance, secure handling, fine driver environment, image.
    Against - Hugely expensive, not as satisfying to drive as other BMW's.
    Reliability - Big Boys toys for Big Boys wallets. Don't break it.
    From a BMW forum:
    If it has any broken bits they will cost an absolute fortune to replace. All the electrics must work as must the air con. I ignored all of the above when I saw my 1995 840 6 years ago. I bought it because it was absolutely gorgeous. I am now very poor but haven't regretted it. Enjoy!!
    Unless it's that rare in Japan, I wouldn't restore it. Maintenance pa lang, marami nang nahihirapan. Yun lang ... ang tindi talaga ng dating. The first time I saw one, I must've ogled at it for at least 20 minutes in a car park.

  8. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    5
    #268
    Quote Originally Posted by momoyster
    fundy,

    sir, medyo mataas po yung cost of ownership ng bmw. nagmakaawa lang tlga ako sa parents ko na kumuha nung medyo nakaluwag. yung gasoline expense, kapareho sya nung everyay car ko na galant vr, kaya naman nya na maka 7km/l. ang grabe lang tlga, as far as i can c ang headache ay yung expenses after paying d initial purchase, mahal ang parts n service, mahal ang insurance, mahal ang registration. d bmw wil b a gud everyday car, kaya nga lang, medyo oc kac ako sa mga paradahan dhil pag masikip ang paradahan, cgurandong magkakaroon ng mga dents agad, pinipili ko na lang yung occasions na gagamitin sya.i make it a pt 2 use it 2x a wk. nababagalan po kayo sa pajero?ako po e kuntento na dun sa capabilities nung 2.8 diesel pajero namin. kapag nasanay na kayo sa pajero, mas madami kayong dapat pag-ingatan pag bmw na dala nyo, ie, lubak, humps, pati pag approach ng inclines dahan-dahan na. pero sa speed, ok yun. also, b prepared 2 go w/ no tint for 2 yrs coz it wil void d vehicle waranty. pag tpos na yung waranty, dun palang pwede pa-tint.duno d connection but dat is wat d dealer told me. 8O
    odell,
    d naman sayang kac yung pajero namin tlgang sa bukid gnagamit yun, minsan lang sya mabakante sa bhay pag umuwi dad ko from d province.'99 model pa ito na 4X4 pa wid a manual transmission.
    hi...dont they give u a 4 yr warranty and free maintenance for 4 yrs if u buy a bmw in the PI? dats one reason of y i bought my X5 and my new 330 cuz of the free maintenance..at least no need to worry for 4 yrs...

  9. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    175
    #269
    Quote Originally Posted by flagg
    Sir TJ, AFAIK, yung 8-series ay yung BMW na di mo dapat bilhin.

    This is because yung electrical system nya ay multiplexer-type. Kung may electrical fault, di mo ma-trace dahil nga multiplexed sya. Tapos ang daming piyesang naka-depende sa electrical system na ito. Siguro kaya alarm ng iyo ay wild.

    May nag-offer nyan samin mga 1999. Ganda't makinis 1.5m lang. Dream car ko pa naman din, pati si erpat. Buti nalang naging friend namin the late Mr. Ralph Hahn (God Bless his soul), siya nagsabi sakin na wag kunin yung 850 and why.

    Sa bagay, junker naman yung sayo so pede palitan yung mga wiring harness. Pero mga BMW talagang mahirap kalikutin e. Maraming sinadyang 'proprietary' na nakaka-frustrate. Parang yung "Use BMW approved coolant only."

    HTH

    Btw, dami 6 series dyan sa Japan a. Baka naman magustuhan mong mag-ayos nalang ng M635CSi... ganda nun. Wala pang high-tech na kalokohan.

    TY sa comment. Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin ginagalaw yung 850. Tag-ulan ngayon dito kaya isa rin ito siguro sa excuse ko pero give up na ako. Mekaniko ako dati at sigurado naman akong kaya kong ayusin yung 850 kaya lang sa tingin ko ay its not worth fkin around. Laki ng sigurado ng kakaining oras at siguradong laki din ng gagastusin para sa parts eh talaga rin namang ipit ako ngayon...

    Oo marami nga talagang BMW dito pero easy talaga para sa akin ang bumili sa dealers auction dahil licensed naman ako at duon na nga talaga ang halos tambayan ko (work) pero tulad ng marami ay pangarap ko dating magkaroon ng 850 kaya ayun... Itatambak ko muna ito ng ilang buwan para mapag-isipan kung anong gagawin ko rito. Inaawitan din kasi ito nung katropang Canadian na ipadala raw namin sa Canada maybe for parts??? ... bahala na pero happy na rin ako maski junker yung 850 ko dahil at least nagkaroon din... haaayyy! Hirap talaga pag bitin sa pondo diba.

    Tag-ulan ngayon dito at pag hindi uulan bukas ay kukunan ko ng pics yung junker ko

  10. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    175
    #270
    Quote Originally Posted by StraightSix
    * Trials Jpn - A couple of quotes regarding the 8-series ... just to give you an idea regarding restoration.

    From WHAT CAR?:

    From a BMW forum:

    Unless it's that rare in Japan, I wouldn't restore it. Maintenance pa lang, marami nang nahihirapan. Yun lang ... ang tindi talaga ng dating. The first time I saw one, I must've ogled at it for at least 20 minutes in a car park.

    TY sa comment StraightSix. Rare din dito sa Japan ang 850 at dahil luma na ay mas lalong nagiging rare. Tama yang sinabi mo na ang tindi ng dating... talagang muscle car. Ngayon nga maski kadiri to death ang hitsura ay ilan na rin ang napahintong mga dumadaan at hiniling na kung pwede raw nilang tignan yung 850. Karamihan sa mga tumingin ay mga car lovers din at talagang nanghihinayang sa kondisyon nito ngayon. Nag request nga sila na i-restore ko daw dahil marami na rin silang nakitang mga ni restore kong kotse kaya lang... Pareho mo rin ako dahil nung unang dating nito sa akin ay nilamok ako sa kakatingin at kakabusisi ng kotse at talagang pinag-iisipan ko kung aayusin ko nga ba ito o hindi. Dito ay nabebenta pa rin ang 850 lalu na sa mga maniacs at OK pa rin naman ang presyo pero sa condisyon ng 850 ko ay baka lumabas pang abonado ako kaya isip-isip muna ulit.

    Hintayin nyo sana ang pics nito dahil siguradong magpopost ako bukas o sa makalwa.

The BMW / Bimmer Thread [Merged]