Since tag ulan na, nag tanong ako kung magkano ang under coating sa mga gas station malapit dito sa amin.
Sa Caltex, wala pa daw. Pero sa Petron, 3.5K daw. 1 galon na 3M undercoating ang gagamitin. Dapat umaga pa lang ay dalahin na dahil mga early afternoon matatapos.
Kayo, iyong mga walang scrubby coat tulad ko, nag pa undercoat na ba? Saan? Magkano?
Pres yung sa akin meron ng undercoat....pero ginawa ko pinatungan ko pa din ng enamel black yung 4 na tapalodo para pag nililinis ko yung ilalim ng tambol makinis syang punasan with running water...unlike sa undercoat ng 3m magaspang...just a suggestion lang
Maroon pala akong kakilala na nag open sa shop sa lower bicutan area. 2.5K ang damage ko. Discounted price na.
4 liters ng 3M undercoating at 4 liters of unleaded ang ginamit. Imbes na kerosene, unleaded para daw mabilis matuyo. Mga 1 hour lang after, tuyo na. malagkit lang nga. Buti naman di umulan along the way
Actually, 2 liters is enough for a sedan type na car. Pero sabi ko sa gumagawa, ubusin na ang 1 can (4 liters) sa avanza.
Coding ang avanza tom so bahay na muna siya. maamoy pa nga ang gas up to now. 2:00 pm natapos kanina.