Mga Bro at Sis

Actually ang mga modelo ngayon does not necessarily need ang rustproofing kasi maayos ang prep from the factory un body dip (step process) tapos me hot wax and other coatings sa mga dulo and seams where water and rust may build-up. Mapasin nyo un pag angat nyo ng mga carpet parang tuyong candle wax. So technically good for 2 or 3 years under normal use na rust free ang mga vanzy natin unless ang area mo is malapit sa dagat.

Di masama mag pa undercoat as an added touch to preserve our Avanzas. Actually ang avanza ko di ko pa napaundercoat pero i told my wife na lagi pa bomba ng maayos ang ilalim lalo sa mga singit ng wheelwells para maalis ang buhangin at ibang road dirt na pagmumulan ng kalawang. In that way maalagaan mo ang oto mo kahit walang undercoat. Sa mga magpaundercoat naman 3m is the way to go kasi di sya basta naging brittle. Ang contrast kasi pag gasolina ang ginamit mabilis matuyo pero matigas compared pag kerosene ang pampalabnaw sa kanya it remains flexible for a longer time. Tama un post sa earlier na pag magpaundercoat ka make sure early morning kasi pag sa mga gas station i underbody wash muna then air dry (at compressed air) then bago spray ang undercoating. Ok din kung papagawa mo sa mga reputable shops at least me warranty at annual checkup like ziebart or kung saan.

Sa sigma ko pag labas nya after body repair and paint 3 years ago, nag DIY ako mag rustproof underbody (wheelwells at underpinnings) as well as interior, matrabaho lang haha pero enjoy. THough pag brush nga lang me mga hindi ka maabot compared to spray gun application.

Ayos

Jun