suggestion lang sir wag na kyo gumamit ng spray paint. kung mahilig din kayo sa DIY na gawain ay maginvest nalang kayo sa spray gun at compressor. sablay gumamit ng spray paint. unang una kahit anung tatak pa niyan saglit lang ang buhay niyan compared sa mga urethane na pintura (NAX, ANZHAL, DUPONT, HIPIC, WEBER. K92 etc)

kelangan niyo lang
> primer/surfacer (i prefer anzhal eto lang primer na gamit sa talyer ko wala na iba)
>kung naisagad mo naman sa bakal kelangan mo gamitan ng primer na zinc chromate--anti rust ito importante to kung lumabas ang bakal kakasand
>urethane na thinner din
>body filler/masilya (glasurit pinaka ok wag na kyo gumamit ng iba)
>yung paint (pwede kayo mamili ng kahit anung urethane paint sa mga paint centers)
>ang urethane paint may ksamang catalyst --eto yung pampatigas niya, di tulad ng acrylic na mga paint wala silang ksamang ganito. ang catalyst ay hinahalo sa paint mismo ksama ng thinner. 40% paint 40% thinner 20% catalyst
>top coat - maraming topcoat na available na madaling gamitin eto yung clear na coating na pampakintab at the same time pampatibay ng pintura. may catalyst din ito. ginagamit ko sa talyer ko Anxhal car show clear ata K92 K333 may mga catalyst ito at kelangan din haluan ng thinner. gmagamit din ako ng NAX ceramic eto hindi na ginagamitan ng thinner. kung 1 litro ang topcoat mo may ksamang maliit ng lalagayan ng catalyst un. gamitin mo lahat un wag mo tipirin kasi yun na ang pinakapampatigas niya at pampalabnaw.

may steps sa youtube kung pano mag buga ng pintura at pano ang preparasyon. para sakin lang wag na kayo mag spray paint dagdag gastos lang ito kung papapintura mo naman sa labas ang bumper mo para dun sa TS, mga 2500-3k ang kuhanan namin diyan. straight anzhal na and ksama na 2-step ng meguiar's buffing (diamond cut rubbing / dual action polish)