nako sir mike. depende yan. tulad ko po. may buying office po kami dito sa antipolo. namimili kami ng gawang pinoy at binebenta namin sa europe. kung gawang pinoy at maganda why not. like marikina shoes, handicrafts natin, local ic's, at kung ano-ano pa. dapat lang maayos ang produkto. ako bumibili ako ng local shirts. basta maganda at kumportable isuot (ang gap sa baguio ginagawa, bench at penshoppe maganda din). bumibili din ako ng sapatos ng marikina. mas gusto ko yun kesa sa china made.

about sa china made na motor. kaya sya click kasi mura. at kaya ng pinoy. pero napansin mo ba na yung mahihilig talaga sa motor di rin kumuha non? kung meron man. mangilan-ngilan lang siguro. ngayon kung nasubukan na ng mga kakilala mo at palpak! aba e bat bibili ka pa.

now sir mike. about your "legacy". maraming nag comment kasi talaga namang maraming di bumilib. galing na nga mismo sa nagmayari talaga negative pa e. (ilan na din ang na drive ko nyan. medyo mahina talaga. di dahil sa makina. i had a charade before. 997cc lang po sya pero napakalakas humatak at napakatulin) and ito yung mga taong sanay na sa sasakyan. if you like it so much ok lang naman bilhin mo. pero humingi ka ng feedbacks e di sumagot kami. meron po akong maliit na shop dito sa antipolo. halos lahat ng klase ng sasakyan nakapag ayos na kami. marami na din ako namanehong sasakyan dito even sa ibang lugar. natural kung medyo sablay. sasabihin ng customers na di maganda yung brand na yun. pag ok naman e puring-puri nila.

i am sure pag ok tong PhUV na ito. patok to. atleast ito e kung baga e dumaan ng drawing board. di ito basta sinipat lang at nung mukhang pantay e sisigaw na "sige pare! spot mo na!".

at di ako or kami nahihiyang sumakay sa local or gawang pinoy. or should i say karamihan dito. even anak ko na nakagisnan na ang mga sasakyan e naisakay ko na ng jeep. service nya nga sa school e tamaraw na gawang pampanga. meron ba ditong taga pilipinas na di nakaranas sumakay ng jeep? pagnakasakay nga ako ng jeep at may nadaanang kakilala pakaway-kaway pa ako. hehehe. ayoko naman sumakay ng taxi (japan made cars) lagi at mahal. so praktikal pa din ang pinoy. ika nga ni lumen dapat wais.

by the way guys. nabasa ko pala sa inquirer tong forum na to. andun din yung SN ng iba. hehehe.