Siguro kung may space pa. Di ko alam effect ng shorter shocks kaya not sure. Ang sabi ng magaling kong mekaniko na pinaka mainam daw ay 45 degrees and alignment ng V ng shocks to produe the maximum shock absorbing effect.
Sa kalampag, puedeng gayahin ang ginawa sa VW Beetle na lahat ng joints may rubber lining. at lagyan mo ng rugby mga nuts and bolts para siguradong d ma-loosen ang mga ito. Nadalas rin di masyadong securely clamped ang mga tanggalin like the batteries at mga tools at iba pang mga bagay-bagay na nasa OTJ. Dahil sa tagtag nga kalampag resulta pag gumalaw ang mga ito.
Isa rin possible source ng kalampag ay ang misalignment ng engine supports. Eventually nagkakpuwang na enough pra gumala ang makina at kumalampag ito.
Nakakatulong rin ang pagbaliktad ng leaf springs para mas magand play at siguraduhin hindi overkill size ng coil spring kung mayroon nito (kung minsan kc puro leaf spring gamit sa pag buo ng OTJ.
Good luck sa iyong kalampag.





