Results 21 to 30 of 30
-
July 31st, 2007 02:10 PM #21
Kung bakal sa bakal, hindi kaya bearing na may tama? Or yung shaft, kumikiskis na?
-
July 31st, 2007 02:39 PM #22
Galactus; parang ganon nga ang tunog. In addition nga pala dun sa mga sinabi ko kanina, simula ng lumabas yung tunog na yun, hindi na naging consistent yung idling ko. Kapag nka on yung A/C nsa 1,200 minsan 900. Kapag nka off naman, minsan 1,500 - 1,200. Lumakas ako sa gas ngayon. If ever na bearing or shaft nga yung problem, magkano kaya ang damage nun?
-
July 31st, 2007 02:59 PM #23
mahal pala ng compressor. well kung satisfied ka talaga, di sha magmumukang mahal. ang masama ay yung gumastos ka na mahal man o mura tapos you're unhappy with the result.
baka naman naman di related sa aircon yung next prob mo. try to get other mechanic's opinion if di kaya ng aircon man mo.
laking bagay nga aircon. it cools you down. kahit trapik di ganu iinit ulo mo since presko sa loob ng car. i dont have aircon, kaya init lagi ulo ko. hehe
-
July 31st, 2007 08:00 PM #24
if i were you lang sir, pa-back job mo na. sayang yung binayad mong 10++K.
pareho tayo ng problem ngayon, parang may tumutunog sa loob ng compressor on or off. sabi nung unang tumingin na aircon shop, shaft seal daw. quote nya nasa 2k+ plus labor. tumawag ako kay mang mario, 1700 lang quote sakin. punta ako ngayon doon bukas ng umaga para pagawa.
-
July 31st, 2007 09:06 PM #25
Sir, Tip ko lang sa u kung paano mo malaman yung anoying sound na sinasabi mo. Kuha ka nang host atleast a meter long tapos tapat mo yung isang end sa tenga mo and the other end yung sa suspect area mo..I am sure maririnig mo. yan ang gawa ko eh.
Dalawa lang ang problema mo dyan...sabi mo yung compressor na inilagay sa u eh surplus lang...isa yun..ang pangalawa eh yung bearing na nasa loob nang inaa adjust para humigpit yung belt...pwede nang diy kung yun nga.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2008
- Posts
- 35
April 8th, 2008 03:30 PM #26
Bro, tingin ko mahal yan kasi dito sa area namin:
Surplus compressor 2500-3500 pesos ang brand new 12K kahit sanden na TRS
Expansion Valve 900pesos original double capillary
Drier 600 pesos my orig my replacement
Discharge hose 50pesos per feet plus yun hose crimping 40pesos ang isa
Evaporator 2K original made in malaysia
Condenser 1K – 2K Laminated condenser 4K – 5K
Flushing R-141B 150pesos per kilo, di naman yan gagamit ng isang kilo
Freon and Oil, Freon 134a 320pesos per kilo R-12 250pesos per kilo,, panama lang ang isang kilo sa kotse, Oil 134a 125pesos half bottle ng Gin, R-12 Oil 60pesos isang boteng gin, pag bago ang compressor add oil lang ang kailangan meron na kasi yon.
Bro, ganyan lang ang price niyan kung bibilhin mo, Nagpapamahal lang naman diyan yun dagdag sa price ng parts ng gumagawa, and yun talent fee and yun bayad nila sa puwesto… sana makatulong, mabuhay…..
Labor and service 1800 kasama na yun Flushing, cleaning, Freon, Oil, vacuum yan yun labor and service
Compressor 3500
Valve 900
Drier 600
Hose 180 for 2 feet and 2 crimping
Total 6,980
-
Tsikot Member
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 1
June 17th, 2008 04:29 PM #27Maaaring na-denggoy ka. Kasi papalit-palit ka ng compressors from time to time, and you'll spend 10-15k every time. Kapag nagpapa-charge ka nang aircon dapat siguraduhin mo sa sunod na hindi counterfeit o peke ang nilalagay na refrigerant. Mumurahin at hindi pure at hindi malinis ang nilalagay ng karamihan sa aircon repair shop ngayon, kaya ang nangyayari ay nasisira ang aircon mo.
Yung Petron EDSA Greenhills lang ang alam ko sa ngayong gumagamit ng Dupont na refrigerant sa pag-charge ng aircon kasi yun sigurado tayo dun. Yun yung ginagamit ng Mercedes at Chrysler sa sasakyan nila kaya tumatagal ang buhay ng mga yun. Hindi na sila gumagamit ng iba pa..
-
June 17th, 2008 06:05 PM #28
eto naman sa akin. i think nadenggoy ako. auto ko, pajero 2.8. ang sira nun una, magnetic clutch kasi nawala ang aircon. quoted for 3.5k yun. nang binaklas yun compressor at clutch, nakita, basag ang bearing, 800 petot daw yun. sige palit ako. tapos yung shafting nya, may kain na, tendency para magplay ang bearing. remedyo, shim brass na 10 petot. pagkatapos palitan ng bearing at clutch, hindi pa rin gumana! nakita, kiskis ang pulley. suggest ng gumagawa, reface sa machine shop. so alis kami at gabi na kasi. balik ako kahapon, ayun, pinareface na, 600 ang refacing! akala ko 200 lang, hindi pala. kinabit na, libre ang freon. ayun, gumana na pero pagkaalis ko sa shop, nawala ang aircon ko bigla! bumalik agad ako at ayun, kumiskis na naman ang clutch! reason, dahil sa shafting. hindi lang yun, yung lower aux fan ko, hindi na gumagana! palit din yun, 1.5k ang gastos ko! tapos sinabi na nila ang final verdict... "sir, compressor na ang palitan nyo"... magkano ang compressor na denso pang pajero, 16k petot pero yung other expenses ko sa clutch at bearing, payag na ibalik ko. to sum up, eto...
magnetic clutch - 3.5k
bearing - 800
reface - 600
shim brass - 20
aux fan - 1.5k
total - 6,410 petot
compressor - 16k
less:
magnetic clutch - 3.5k
bearing - 800
tip sa 2 mekaniko - 400
overall gastos ko sa aircon repair - 14,220 petot
hi-precision marilao ang shop. note, brand new yung compressor.
eto pa, yung main aux fan ko, palitan na daw at ang quote nila dun, a whopping 6.5l petot for the motor only!!!
-
February 7th, 2009 08:33 PM #29
had my crv gen 1 aircon fixed today.initially, maingay na kc yung bearing ng compressor and medyo maluwag yung fan belt. so last week pina adjust
ko lang tension muna, kung mawawala ingay. still maingay pero hindi kasing
lakas ng dati . after few day, nawala na lamig.
so today, inoverl haul na yung compressor, napudpud na yung teeth ng fly wheel kaya loose na cya kaya pala ayaw ng mag engage ng magnetic clutch.
nabend ba rin yung shaft. actually, the shaft is part of the front cover ng compressor so palit buong assembly. i believe this was cause be the tensioning of the fan belts.
over all:
palit ng fly wheel, palit ng shaft assembly, pinapinapalitan ko na rin yung 3 bearings(since loose na yung isa(main root cause of the problem), palit dryer, and general cleaning ng condenser and fan blowers, recharge ng freon.
total cost including labor: 7k
dito po ako sa laguna. was i reasonably charged?
-
February 9th, 2009 01:02 AM #30
Mahal talaga pyesa ng air-con.. di naman kasi katulad ng engine/suspension parts na marami ang supply and mabilis ang turn-over. for that 10k, ok na yan. A/C cleaning na lang pumapatak na ng 2,500php sa mga kilalang shops. Pero wala pa ting tatalo kina Mang Mario.. haba lang talaga ng pila.
bebe eksa, saan kayo nagchuchurch???
Traffic!