New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    63
    #1
    Guys,

    I have a Sentra B13 93' Model Ex Saloon 1.4L Carb. Although Fast and the Furious lumamig yung aircon ko (as in kahit bilad sa araw pag ON mo ng A/C bibilang ka lang ng mga 30secs malamig na) may problem sya...

    Heres my problem.... pag nag auto ON yung compressor humihina yung hatak ng engine tapos bumibigat yung tapak ko sa clutch pero pag nag auto OFF na sya bumabalik na yung hatak power nya and parang may whirring sound akong narrinig pag nag auto ON yung compressor.

    napalitan na yung bearing nito (although di ko alam ilan ang bearing ng A/C natin) and napalinis ko na din yung A/C ko per ganun pa din eh.

    basta asar na asar ako pag nag auto ON yung A/C nawawalan ng hatak. grrr...


    help po kung ano problem. thanks.

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    994
    #2
    I think it's normal (especially sa carb-feds) na humihina ang hatak ng makina whenever the AC is turned ON. Try observing your RPM, it drops down pag naka-engage ang AC (allowable pa ang 100-200rpm drop).

    Pero pag sobrang lakas ang pagbaba ng rpm, like from 1000rpm ay babagasak sa 700rpm, baka kailangan na ng adjustments or tune-up. Alam na ng mekaniko mo ang gagawin dyan.


  3. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    63
    #3
    Ah ganun po pala talaga. kala ko kotse ko lang ang ganun. pero kainis lang kasi nawawalan ng power. siguro dahil sa laki ng compressor ng nissan.

    Actually baliktad yung akin eh. pag kick in ng compressor tataas yung menor nya and pag nag off bumabababa.

    ano po ba ang tama?

  4. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #4
    usually idle
    RPM off a/c 600rpm
    RPM on a/c 900rpm

    kaya halos dimo naman ramdam na humihina ang power pag on ang a/c kasi automatic mag rev up to compensate sa additional load, medyo additional sa fuel lang ng. try mo pa check ang
    pressure ng compressor baka sobra taas
    or baka naman sira na ang bearing ng compressor mo,(maingay na ba?)

  5. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    276
    #5
    padagdagan nyo po ng langis yung compressor(compressor oil)

    ganyan po ginagawa ko kapag bumibigat na yung compressor ng b13 ko

    try nyo baka gumana din sa inyo

  6. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    994
    #6
    Quote Originally Posted by markymark8386 View Post
    Actually baliktad yung akin eh. pag kick in ng compressor tataas yung menor nya and pag nag off bumabababa.
    ano po ba ang tama?
    Tama lang yung tataas ang RPM pag nag-engage na ang compressor (a/c is ON) tapos bababa pag OFF. This is to compensate for the additional load of the engine. Nothing to worry.

    Pag uphill ang daan (like in Baguio or Dalton Pass ... that's in region 2) it is wise to turn OFF the a/c. Bukod sa malamig kasi ang lugar ay hindi pa hirap ang engine.

    IMHO, too much oil in the compressor will cause your system to cool sluggishly or in a worst scenario, may cause the system to blow up (it happens). Less oil will cause it to stuck up. Basta OK sa iyo ang lamig e no problem.

  7. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    63
    #7
    Ok naman ang lamig sa akin. its super lamig nga eh hehe.

    Yung bearing how much po yun? and yung compressor oil how much din? Need ba iparecharge ng freon yun pag nilagyan ng new bearing and compressor oil?

  8. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    65
    #8
    Quote Originally Posted by markymark8386 View Post
    Ok naman ang lamig sa akin. its super lamig nga eh hehe.
    Yun naman pala eh! as jjmd3_787 pointed out hindi mo kailangan dagdagan ng langis ang compressor mo. Patingnan mo na lang sa mekaniko kung ano talaga ang dahilan, but definitely hindi yung aircon system mo ang may problema.

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    3,779
    #9
    ok naman ang aircon mo so just focus on the engine. first thing to do is get a tune-up & check your timing done. make sure to replce the spark plugs during tune-up.

  10. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    12
    #10
    ipasilip mo muna , maaari shaft nga compressor mo slight tabingi or other bearing sa mga pulleys

Humihina hatak when nag ON ang compressor