New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 13 of 13
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #1
    Pwede ba i-overhaul ang MitAir Compressor?

    I know that Sanden's can be overhauled but I'm not sure about MitAir.

    Mukhang may tagas sa shaft seal ang compressor ko eh.

    Kung meron sa inyo na nakapag pa overhaul ng MitAir Compressor, please let me know kung saan nyo pinagawa.

    Thanks a lot.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    artp, why not bring it to mitsuair and diagnose kung talagang pwede pa i-overhaul? merong mitsair dito sa alabang-zapote road, going south to alabang, nasa right side from BF Resort Village.


    ot: parang lumalabas na yata sira ng oto mo ah, sunod-sunod ah. dati shocks, ngayon compressor naman. hehehehe.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #3
    oo nga happy_g! sakit nga sa ulo tsaka bulsa!

    Bakit ba hindi ko naisip yun, I can probably just ask MitsuAir kung pwede ipa overhaul, pero di ko sa kanila ipapagawa. Meron din malapit sa amin na MitsuAir. Sobra mahal kasi sa kanila eh.

    hmmm..... dun kaya sa recommended ni Otep yung sa may Pag-Asa?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    hehe. tama. check mo muna sa kanila kung pwede tapos sa iba mo pagawa.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #5
    Kung shaft seal, pwede pa yun. Basta yung seal ang sira at hindi yung chassis mismo ng compressor.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  6. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    35
    #6
    nagpa quote ako sa mitair sa pedro gil, grabe umabot ng 15k. pinapatanong ko lang naman kung narerepair ba yung mit-air ko sa advie, particularly the shaft seal. Yun lang kasi ang nirereklamo ng shop na pinagawan ng insurance ko, compressor daw. Ok ang lamig ng aircon nung pinatingin ko sa mitair.

  7. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    35
    #7
    I also replaced the compressor last year and ang sabi sa Mitsuair pang lancer daw ang pinalit, dapat daw pang dual kasi adventure yung akin. is this true? meron bang dual compressor?

  8. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    380
    #8
    Dual-evaporator set-up compressors have higher pumping/compressing ability which is needed sa dual set-up A/C as they need to operate in higher pressures about 45 PSI (or more) compared to 30 PSI sa single setup.

    Pag lower ang capacity ng compressor, mahina ang lamig o yung isa sa mga evaporators ay wala talagang cooling depende na sa design ng AC system o sa settings ng expansion valves o orifice tube.

    Sa old school, you need at least Sanden 508 for dual AC set-up.

  9. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #9
    Itong old school kung Tamaraw close van Set up niya Sanden 508 dual aircon set up . Okay lang malamig at matagal ko ng gamit. Toyota 5k engine.

  10. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,189
    #10
    sa alam ko sealed type ang mitair compressors, yung sanden ang pwedeng i repair at ovehaul ang mitair pag nasira palitan na ng buo yan, yun yung sa lancer ko dati naayos naman pero di rin tumagal kaya bumili narin ako ng bago

  11. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    35
    #11
    Quote Originally Posted by youngrider View Post
    Dual-evaporator set-up compressors have higher pumping/compressing ability which is needed sa dual set-up A/C as they need to operate in higher pressures about 45 PSI (or more) compared to 30 PSI sa single setup.

    Pag lower ang capacity ng compressor, mahina ang lamig o yung isa sa mga evaporators ay wala talagang cooling depende na sa design ng AC system o sa settings ng expansion valves o orifice tube.

    Sa old school, you need at least Sanden 508 for dual AC set-up.

    so mali nga yung pinalit na compressor sa oto ko. Nirekomenda pa naman sakin yung shop. Pansin ko mas maliit nga compressor ko kumpara sa nakakabit sa adventure ng neighbor ko.

    Di naman po mahina yung lamig halos pareho lang, wala naman binago sa setup ng evaporator, dual pa rin, ang sabi lang sa mit-air nahihirapan daw yung compressor ko. Pag ganun po ba anong settings ng expansion valve ko dapat since di ko mapapalitan agad yung compressor.

  12. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    380
    #12
    Baka naman po kahit maliit tignan yung compressor nyo eh mataas naman ang
    pumping rating, yung mga bagong design ng AC compressors ay very efficient talaga relative to their sizes lalo ng yung mga 'scroll type'.

    Yung expansion valve o orifice tube eh carmakers specified po, at di naman talaga naa-adjust yan, ang caution lang po kung magpapalit kayo, as much as possible e pareho talaga ng specification ng originally installed equipment para naman di kayo ma-bigla kung bakit biglang nagbago ang performance ng AC while kapapalit lang ng pyesa.

    Kung ok naman ang cooling performance ng AC ng adventure nyo at wala namang negative effect sa hatak ng makina eh baka compatible naman talaga yung compressor na naipalit.

  13. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    35
    #13
    thanks, I checked regularly kung naglalangis yung compressor because one shop in bacoor cavite told me na shaft seal ang pwedeng problema kasi may konting tagas ng langis sa iniikutan ng belt. sa ibang shop ang sabi palit na kung naglalangis kasi mit-air yung compressor.

    Pano ba malalaman kung ano ang sira based kung saan naglalangis? I've read somewhere na pwedeng shaft seal or yung buong compressor ang papalitan kung naglalangis. I'm just not sure kung saan banda.

MitAir Compressor