New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23
  1. #1
    guys bakit ganun yung aircon ng isuzu pickup 1994 ko hindi talaga umaabot sa likod yung lamig..
    napa cleaning ko na at palit ng freon.. sa gabi lang lumalamig yung buong kotse...
    tska pag may mga sakay na 4 sa likod hindi kaya nung aircon palamigin..

    ano kaya sira?

  2. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    644
    #2
    Mahina ata sir yung airconditioning system mo, napa check mo ba yung compressor at expansion valves kung good condition pa?

  3. #3
    i guess the compressor is still okay.. yung expansion valves di ko sure..
    malamig naman pag mag isa lang ako.. hindi lang talaga umaabot sa likod yung lamig nung aircon :|
    try ko muna ipa check ulit sa ibang shop..

  4. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    35
    #4
    nun bang pina-service mo kasama ba binaba ung evaporator then lininis nila? Baka kasi barado na ung mga fins kaya mahina ang buga ng lamig or baka mahina na talaga buga ng blower mo. kailangan din kasi pina-pacheck yan everytime na papa-service mo ung aircon system.

  5. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    167
    #5
    Kung naibaba po ang evaporator nyo baka may leaking sa mga fittings kaya hindi na gaanong lumalamig at kulang na ang refrigerant gas sa aircon system kung may leaking. Subukan nyo ipa discharge ang lahat na refrigerant gas at ipa vacuum nyo ang system at kapag naka sagad na ang vacuum pressure to 30 eh off ang vacuum pump din eh observe nyo ang vacuum pressure at least 1 hour at kapag bumaba ang vacuum pressure below 30 may leaking ang system at ipa check nyo ang leaking ng system din after correction of leaking eh vacuum uli until dina bumaba ang vacuum pressure. Kung dina bumaba ang vacuum pressure proceed to charging of new refrigerant gas into the sytem at sigurado super lamig na yan.

  6. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,770
    #6
    Quote Originally Posted by cokezero View Post
    i guess the compressor is still okay.. yung expansion valves di ko sure..
    malamig naman pag mag isa lang ako.. hindi lang talaga umaabot sa likod yung lamig nung aircon :|
    try ko muna ipa check ulit sa ibang shop..

    baka mahina lang fan blower mo. hindi naitutulak ang lamig sa likod.

  7. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,509
    #7
    Quote Originally Posted by Retz View Post
    baka mahina lang fan blower mo. hindi naitutulak ang lamig sa likod.

    sir try nyo pagawa sa may gloria v subd.. q.c. area sa may mindanao ave... SURE AKO KAYANG KAYA NILA YAN... MONEY BACK PA SILA... AT MAY 3 MONTHS WArranty... ito po land line 9307467... lahat ng hindi kayang palamigin at hindi kayang gawin ng ibang shop dun po dinadala... pati mb's bmw, ford, etc.. pati yung mga galing subic na usually ang problema eh a.c. dun po dinadala at dinadayo pa talaga yun... madami na din po silang parts dun... kaya hindi na kayo mag kaka problem sa pag buy ang pag hanap ng parts... medyo mataas lang ang labor nila... pero MURA NAMAN ANG PARTS... DUN din po kumukuha ng parts ang mga A.C. shop sa Q.C. at pag hindi mapalamig ng ibang a.c. shop... dun dinadala ng mga A.C. SHOP para mapalamig...

  8. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,509
    #8
    sir KWENTO ko lang... dati po i have an fx pampasada... ang a.c. normal na malamig...(naka formula sa harap at yokohama sa likod) pero nun dinala ko dun... ang comment ng mga pasahero eh at around 4-4.30PM... after 20 mins. of driving..
    "manong pwede ba hinaan mo naman at A.C. MO!!! at hindi naman kami KARNE na pinatitigas dito sa likod!!! ang sagot ko... pasencya na po at naka low na po kasi... then sagot ng pasahero... bakit naman kasi pang karne ang kinabit mo sa fx ko!!! kaya po dati pag ako na ang nakapila sa pilahan namin at medyo makulimlim ayaw na po ako sakyan ng mga pasahero...

    once po ako naman ang nakasakay sa likod... at naka jacket ako... SUPER PALA TALAGA ANG LAMIG.. hindi kayang tiisin.. w.o. exageration po... talagang nangangatog ang baba mo sa lamig... naka jacket pa ako nun ha...!!! kaya naman pala ang ginagawa ng ibang pasahero eh binubuksan yung bintana sa likod...

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    36,776
    #9
    Hanep sa sales talk ah... OA naman yata yum kwento kahit brand new kotse hinde ko pa na experience na kailangan patayin A/C dahil sa sobrang lamig, eh lagi sagad pa Ang thermostat ko.

    Kahit anong gawin sa A/C ng kotse hanggang ganun na Lang Ang lamig unless palitan mo ng split type... Hinde ako naniniwala na kaya pang palamigin na sagad sagad ng kahit na sinong shop. Kung ano pinakamalamig nun brand new hanggang ganun na lang rin yun

  10. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,661
    #10
    Once ko lang ma-experience na sobra lamigin ng hapon na tipong hininaan ko yung aircon :

    Nung naka-sakay ako sa Hi-Ace Commuter/GL Grandia with full thermostat plus sa pinakamataas na setting ng A/C

    Hindi ko pa na-experience sa dinami-dami ng kotseng na-drive at nasakyan ko ( Volvo, BMW, Hi-Ace, Corolla, Civic, Altis, Trooper, LC80 etc. etc. ) na sobra lamigin lalo na kung nasa LO lang. Nasa pinas ka ba ser?

Page 1 of 3 123 LastLast
aircon di kaya magpalamig